Alma Moreno, tinakasan ang renta sa condo at utang sa kuryente?

Inireklamo sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo” ang aktres na si Alma Moreno.

Ito ay matapos umanong hindi ito makabayad ng renta sa inupahan nitong condominium unit sa Parañaque kung saan naiwanan din pati ang bayarin nito sa kuryente.

Dahil hindi na nakikipag-usap ang aktres, nagdesisyon nang humingi ng tulong sa programa ang may-ari ng condo unit na si Theresa Grenard.

Sa kwento niya, ayaw talaga niyang paupahan ang nasabing condo unit dahil panahon ng pandemic.

Subalit dahil nagtatrabaho naman ang kapatid niya sa aktres, pumayag na rin siyang paupahan ito.

Ang usapan nila ay isang buwan lang kaya naging madali na rin para sa kanya na pagbigyan ito.

Wala naman daw silang naging problema noong simula dahil nagbigay naman ng paunang bayad ang aktres.

Nagulat na lamang siya nang malamang umabot sa limang buwan ang pananatili ng aktres sa condo unit niya.

Maging ang bill sa kuryente na umaabot sa PHP40,000 ay hindi nabayaran ng aktres kung kaya’t naputulan na ng kuryente ang condo unit.

Kasama rin sa naputol ang koneksiyon ng tubig.

Sinubukan daw nilang kontakin ang aktres nang ilang beses upang makipag-usap ngunit hindi nila ito nakakausap.

Dito na siya nagdesisyon na humingi ng tulong sa programa para masolusyunan ang issue.

Sinubukan naman ng programa na kontakin ang aktres para hingan ng paliwanag ngunit ayaw nitong makipag-usap on-air.

Ayon sa may-ari ng condo, wala siyang balak na kasuhan ang aktres.

Gusto lamang daw niyang masingil kahit na ang bayarin sa kuryente dahil ang aktres naman ang gumamit nito.

Hindi na niya umano hahabulin pa ang utang sa renta ng unit kahit na umabot ito ng limang buwan.

As of this writing ay wala pang pahayag o paliwanag na nanggagaling mula sa aktres.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: