Pasilip ni Paulo Avelino, peke nga ba?

Usap-usapan ang eksena ni Paulo Avelino sa pelikulang Fan Girl kung saan siya buong-tapang na nagpasilip ng kaniyang “private part” habang umiihi sa isang eksena. (Basahin dito ang kaugnay na kwento.)

Bago pa man ipalabas ang pelikula sa online streaming noong araw ng Pasko, usap-usapan na ito at tinawag pa ngang #PaUloNiPaulo sa Twitter. (Basahin dito ang kaugnay na kwento.)

Agad na kumalat sa social at media ang screenshots ng nasabing eksena at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko.

Ilang oras ding nanatili sa trending list ng Twitter ang pangalan ni Paulo at hindi maikakailang nakatulong ang eksenang iyon upang mas pag-usapan ang pelikula.

Marami man ang naintriga sa eksena, may ilan ding agad na nagsabing peke ito at prosthetics lamang ang ari na ipinakita sa eksena.

Agad ding lumutang ang litrato ng sinasabing “ari” na ginamit sa pelikula.

Screenshot from facebook | Barbie Rothschild

Iba-iba ang naging reaksyon ng netizens sa pagkalat ng umano’y ebidensiyang ito.

Hanggang ngayon ay tikom ang bibig ni Paulo kung totoo nga ba o hindi ang ipinakita niya sa eksena. gayundin ang direktor nito na si Antoinette Jadaone.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng pelikula, pwede pa rin kayong makabili ng ticket dito.

https://upstream.ph/movies/fan-girl/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: