Sikat na fastfood, inireklamo dahil sa fried chicken na naging ‘fried towel’

Viral ngayon sa Facebook ang post ng isang customer na inirereklamo ang isang sikat na fast-food restaurant dahil sa kakaibang karanasan niya rito.

Sa post ni Alique Perez, inilarawan niya bilang ‘disturbing’ ang kanyang karanasan nang umorder siya ng pagkain sa pamamagitan ng food delivery.

PHOTO: Facebook | Alique Perez

Ikinagulat niya nang madiskubre na sa halip na fried chicken ay naging ‘fried towel’ ang inorder na pagkain para sa anak.

“Just something that frustrated me this late. We had Jollibee delivered via grab. Ordered chicken for my son, while I was trying to get him a bite, I found it super hard to even slice. Tried opening it up with my hands and to my surprise a deep fried towel.”

PHOTO: Facebook | Alique Perez

Hindi niya lubos-maisip kung paanong nagkaroon ng breading ang towel at tuluyang naiprito.

“This is really disturbing… How the hell do you get the towel in the batter and even fry it!?!? Yung totoo?”

Kung dati-rati ay naiisip niyang gawa-gawa lamang ang mga reklamong kagaya nito, ngayon ay napapaniwala na siya dahil sa naranasan.

“I really thought that the post complaining about weird stuff in their orders were just all made up, now I know that it really happens! So disgusting and embarrassing… to think that you’re even branched in BGC. There’s a first for everything. And this has been the worst first!”

PHOTO: Facebook | Alique Perez

“Calming myself down for this… But WTH.”

“Now I can’t even think of the other chickenjoys na kasama while frying this. Having the same oil for how many hours after frying this FRIED TOWEL.”

“Ano pa kaya kasabay ng mga chickenjoy natin? You may get your chickenjoy pero baka may kasabay nang towel. The essence of the towel contaminated the oil and the batter from the supplier so how many chickenjoys are affected? We won’t know…”

As of this writing ay wala pang inilalabas na pahayag ang nasabing fast-food restaurant hinggil sa issue.

Bisitahin dito ang nasabing viral post na sa ngayon ay mayroon nang 18K shares.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: