Itinanggi ng pamunuan ng GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang mga paratang na scripted lamang umano ang kuwento na inilabas nila noong nakaraang linggo, May 23.
Ito ang viral story ni Reymark, ang 10-taong gulang na batang taga-Sultan Kudarat.
Sa episode na ito ng KMJS, ang bata ang nagtataguyod ng kabuhayan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag-aararo sa kanilang dalawang ektaryang bukirin gamit ang kabayong si Rabanos.
Sa tulong ng nasabing kabayo, araw-araw na binubungkal ng bata ang kanilang lupang sakahan.
Ayon sa panayam sa bata, ikinuwento nito na hindi na niya nais na makaangat pa sa buhay dahil sapat na sa kanya ang makakain lamang nang tatlong beses sa maghapon.
Dahil nag-asawa at sumama sa iba ang kanyang ina, naiwan na lamang sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola si Reymark.
Ang naman nito ay matagal nang nagtatago sa batas dahil mayroon itong warrant of arrest sa kasong illegal possession of firearms.
Agad na nag-viral sa social media ang kuwentong ito at ito ang naging dahilan ng pagbuhos ng tulong para sa bata.
May ilang netizens na nagbigay ng kabayo, groceries, bisikleta, bigas, at maging financial assistance.
Itinampok ang part 2 ng kuwentong ito sa KMJS nitong nakaraang Linggo, May 30.
Samantala, kasabay ng pag-viral ng kuwentong ito sa social media ay ang pagkalat din ng isang akusasyon laban sa programa.
Ilang screenshots ng pahayag mula sa di pa nakikilalang netizen ang sumalungat sa ilang pangyayaring inilahad sa programa.
Narito ang buong mensahe (published as is).
“Hindi daw pinabayaan Ng nanay ang Bata. Napilitan Ang nanay magtrabaho sa malayo dahil walang supporta Ang tatay ng Bata. Ang Bata daw Hindi nmn daw araw2x nag aararo.laro laro Lang da un sa una. Kung meron man daw nag Mahal sa Bata Ang nanay daw nya un. Iniwan daw Ng nanay nya Ang atm sa 4ps sa tita nya. Tapos po maraming interview na kinacutcut Ng kmjs pra sa ratings. May mga interview daw Ng kmj na d na pinalabas. Pra mas kawawa tingnan Ang Bata at mataas Ang ratings. Tapos matagal daw nag asawa ulit Ang nanay Ng Bata bago nag asawa ulit Ito.”
“Yung sa last part po scripted daw yun. Di daw po totoo na nagtatrabaho araw araw ang bata. Laro lg daw po yun. Ki-nut daw po ng KMJS kasi nakikita daw nila na tataas ang rating. Me part din po na umalis ang Nanay at iniwan ang 4Ps na ATM sa Tita para mapunta sa mga bata ang assistance. Need daw po umalis ng Nanay para masustentuhan ang mga anak niya.”
“Kinukuha daw po kasi dati ang mga anak kaso ayaw ibigay nung inlaws (na hilaw). Pinagtutulungan daw siya hanggang umalis nalang para makapagtrabaho. Years din daw po bago nakapag asawa ang Nanay. Dami daw binuntis ang Tatay at iniiwan lang sa gilid (kung saan).”
“Wala daw interview sa mga kapit bahay kasi kung ginawa daw mapapahiya lg sila. Me part daw na nainterview ang Nanay pero na cut kaya daw di buo and 2nd episode na naka air.”
Agad namang nakarating sa programa ang nasabing paratang kung kaya’t nilinaw nila ito sa pamamagitan ng isang official statement.
Narito ang buong pahayag ng programa.
Nakarating sa KMJS na may nagpapakalat sa social media na scripted at hindi talaga totoong nag-aararo ang tinampok naming batang si Reymark. Base sa pananaliksik, pakikisalamuha at pakikipamuhay ng aming team kina Reymark at sa kanyang pamilya, nasaksihan namin mismo ang paghihirap ng bata sa bukid. Hiniling din ni Reymark, na huwag nang idetalye sa segment ang personal na problema sa pagitan ng kanyang mga magulang at patuloy na nakikiusap na wag nang i-bash ang mga ito.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily