Justin Dizon, evicted na sa PBB house

Ang tinaguriang Courageous Cabalen ng Pampanga na si Justin Dizon ang first evictee ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect.

Ito ang naging resulta ng first eviction night ngayong gabi, December 27, na pinangunahan nina Toni Gonzaga at Robi Domingo.

Screengrab from Kapamilya Online Live
Screengrab from Kapamilya Online Live

Sa season na ito ng PBB, ang resulta ng botohan ay manggagaling sa Kumu at text votes.

Ang Kumu votes ay 70% at ang text votes naman ay 30%.

Nagbabalik din ang dating format ng botohan na mayroong vote to evict at vote to save.

Screengrab from Kapamilya Online Live
Screengrab from Kapamilya Online Live
Screengrab from Kapamilya Online Live

Sa resulta ng botohan, nakakuha ng pinakamababang combined Kumu at text votes si Justin (-2%).

Nakakuha naman ng 3.30% si Mika at 12.64% naman si Aizyl.

At dahil nga rito, si Justin ang pinakaunang na-evict ngayong season.

Screengrab from Kapamilya Online Live

 

One thought on “Justin Dizon, evicted na sa PBB house

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: