Nadiskubreng “lihim” ng pumanaw na ama, ikinagulat ng pamilya

Viral ngayon sa Facebook ang post ng isang netizen na nagkuwento tungkol sa kanilang natuklasan matapos pumanaw ang kanyang ama.

PHOTO: Facebook | Dy Dela Paz

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Dy Dela Paz ang kanyang pasasalamat sa pumanaw na ama.

Aniya sa caption ng post:

HANGANG SA HULI TAY KAMI PA DIN INIISIP MO😭😭😭😭

Kasalukuyan daw silang iniisip ang panggastos sa pagpapalibing ng ama nang madiskubre nila ang ‘blessing’ na inilihim sa kanila ng ama.

Kung na momoblema kami saan kami kukuha ng pang palibing sa  tatay ko. Blessing na nakita ng nanay ko ang bag na laging tinatago ng tatay ko.

PHOTO: Facebook | Dy Dela Paz

Ikinagulat ng kanilang pamilya ang nakita nilang laman ng lumang bag ng kanilang ama.

Grabe ang bigla namin pare pareho ng nakita namin ang inipon mong pera tay😭. Kaya pala lagi mo sinasabi kay nanay na wag ng mag withdraw sa banko dahil may pera kang tinatago. Sabi mo kay nanay hanapin mo ang wallet ko alam ko may tinago akong pera. (hindi namin alam na ganun kalaki ipon mo tay😭😭)

PHOTO: Facebook | Dy Dela Paz

Nasagot na ang pagtataka nila kung bakit sobra-sobra ang pag-iinit nito sa bag na iyon.

Kaya pala lagi mo bitbit ang bag na yan kahit saan ka pumunta, sino ba mag aakala na may malaking halaga pala ang nasa loob nyan at ang bilin mo sa nanay  at wag gagalawin at lalabhan.

PHOTO: Facebook | Dy Dela Paz

Bagama’t nalulungkot sila sa pagpanaw ng ama, malaki pa rin ang pasasalamat nila na hanggang sa huli ay hindi sila pinabayaan nito.

Maraming salamat po tay, hangang sa huli hindi nyo po kami pina problema. Nakakalungkot lang tay, sana dalawin mo kami para mabawasan ang sakit tay💔  💔Mahal na mahal ka namin tay. Napaka bait mo sa lahat tay😭

Agad na nag-viral ang nasabing post at umantig sa puso ng mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“condolence wag nmn sana sa laki ng ipon at kakatipid sa sarili e mismo sakit dna maipagamot”

“Condolence po, lesson learned for everyone.Matutu tayong magsubi. Rest in peace po.”

“Siguridad parin ninyo Ang kanyang iniisip”

“napaka buti ng mga magulang natin.sana suklian sila ng mga anak.di man sa kayamanan kundi sa aruga at pag mamahal,suklian narin sila ng pag mamahal.gaya nong mga maliliit pa tau.”

“Condolence po sa inyo,,ang galing naman ng tatay nyo,,rip tatay kapiling mo na si lord,,gabayan po ninyo ang inyong mga naiwang mahal sa buhay,,mula sa asawa,anak,manugang at mga apo ninyo,,,”

“Taz un srili nya ndi naipagamot.. 😰 condolence tay… Sanaa all nagiisip dn mkaipon para s pamilya un iba kz walang pakialam”

“Condolence😥 po and sana tularan nyo sya sa kasinupan nang pera…maging magandang halimbawa sya sa inyong mga iniwan nya.. Godbless😇”

“grabe yung pagmamahal sa inyo ng inyong tatay 😢”

“Kya habang malakas p tau ipon lng ng ipon pra pagdating ng panahon d tau mahirapan lalo n kpag matanda n tau sinupin ang perang pinaghirapan.”

 Bisitahin dito ang nasabing viral post.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!