Aiai Delas Alas, ayaw tantanan ang Blackpink?

Viral na naman ang video ng performance ni Aiai Delas Alas ng Lovesick Girls, ang sikat na kanta ng K-pop group na Blackpink.

Bagama’t may ilang natuwa at naaliw sa energetic performance niya, marami rin ang hindi nakapagpigil na nagsaad ng pagkadismaya.

Narito ang ilang tweets at comments tungkol dito.

Dagdag pa ng mga netizens, hindi nakakatuwa na tila pinaglalaruan lamang ni Aiai ang lyrics ng kanta. Hindi man lamang daw ito naglaan ng oras para aralin ito upang makanta ito nang maayos.

Nagiging katawa-tawa rin daw para sa singing contest kung saan isang judge mismo si Aiai. Di tuloy maiwasan ng ilan ang magtanong:

Nasaan ang kredibilidad?

Hindi rin maiwasan ng mga netizens ang ikumpara si Aiai sa ilang banyaga na kapag kumanta ng OPM ay naglalaan talaga ng oras para aralin ang mga salita upang makapagbigay ng maayos na performance.

Nabanggit ng ilang netizens sina Sandara Park at Jay ng iKon na kailan lamang ay naglabas ng kanilang cover ng Iñigo Pascual original na Dahil Sa ‘Yo.

Sa kabila ng mga batikos, may ilang ding namang ikinatuwa na lang ang performance na ito ni Aiai.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: