Ivana Alawi, nakahanap na ng katapat sa pagpapa-sexy?

Isa ang actress-vlogger na si Ivana Alawi sa maituturing na social media darling dahil sa dami ng followers at subscribers nito.

Ang kanyang YouTube channel ay mayroon nang higit 13 million subscribers.

PHOTO: YouTube | Ivana Alawi

Sa Instagram naman ay mayroon na rin siyang halos 7 million followers.

Sa Twitter naman ay mahigit 4 million ang followers niya.

Halos 15 million naman ang followers niya sa kanyang official Facebook page.

Dahil dito, palaging patok sa netizens ang halos lahat ng gawin niya.

Mapa-vlog man, TV show o guesting, o photo shoot, palagi itong napag-uusapan sa social media.

Mas lalo pang umingay ang pangalan niya nang mapili siyang calendar girl ng isang kilalang brand ng alak.

Dahil dito, mas lalong nakilala ang actress-vlogger sa kanyang kaseksihan.

Kaya naman sa pagpasok sa mundo ng showbiz ni Sunshine Guimary na isang baguhang artista ng Viva, hindi maiwasang maikumpara ito sa kanya.

Ayon sa ilang nakapansin, malaki kasi ang pagkakahawig ng mga landas na tinatahak nila.

May YouTube channel din si Sunshine na mayroon nang halos isang milyong followers.

Higit isang milyon na rin ang followers nito sa Instagram.

Napansin din ng marami na gaya ni Ivana, mahilig ding mag-post ng mga sexy photos si Sunshine.

Batid naman ni Sunshine na nagkakaroon ng pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Ivana.

Sa isang interview, nilinaw niyang ayaw niya ng kompetisyon.

Aniya:

Ayaw ko ng kompetisyon. Kung ano yung kaya kong gawin. Paghirapan ko yun at ie-earn ko yun sa trabaho na… ayaw ko ng kompetisyon.

Ngunit nilinaw din niya na masaya raw siya na maikumpara kay Ivana.

Masaya ako kasi ibang level si Ivana. Thankful na rin ako sa part na, ako yung kinukumpara. Masaya na ako sa part na yun na kinukumpara ako sa kanya.

Hirit tuloy ng ilan, mukhang nakahanap na ng katapat si Ivana pagdating sa pagpapa-sexy.

Ano sa tingin mo?

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: