Lalaking umano’y sinaniban, iginapos dahil sa sobrang lakas sa pagwawala

Nag-viral sa social media ang isang post na humihingi ng saklolo sa Surigao Del Sur.

Sa Facebook post ni Catherine Asilo Quiñones Buntag, ibinahagi niya ang ilang larawan ng kanyang kapatid na umano’y sinasaniban ng masamang espiritu.

PHOTO: Facebook | Catherine Asilo Quiñones Buntag

Sa sobrang lakas umano nito sa panlalaban at pagwawala, napilitan silang itali ito.

Ngayon na p talaga ako hihinge nga tulong sa lahat😭alam ko po na makasal anan akung tao😭nong una d ako naniniwala d ako naniniwala sa mga balita balita sa mga sanib sanib samin,pero ngayon na mga kapatid kuna😭😭sobrang hirap para sakin,lalo nat mag iisang linggo na yung sakripisyo pamilya ko,ang hirap,sana may makatulong po sa amin,sa sa aking lugar😭😭😭ANG hirap malayo sa pamilya yung gusto mong tumulong pero wala kang magawa😭😭😭😭

PHOTO: Facebook | Catherine Asilo Quiñones Buntag

buhay papo yung kapatid ko tinali lang ng ganyan kc dina kayo yung sobrang lakas nila🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🤝

Plssssss lord patawarin nyo po cla sa lahat ng kanilang mga kasal anan🙏🙏🙏🙏🙏🙏

PHOTO: Facebook | Catherine Asilo Quiñones Buntag

Agad na nag-viral ang nasabing post at inulan ng iba’t ibang komento at payo mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanila (published as is).

“Lumapit po kayo sa pari, exorcist dapat sa archdiocese nyo. Huwag sa albularyo mas lalapit ang masasamang espiritu. Magpray din kayong lahat.”

“Makipag coordinate po kayo sa malapit na simbahan ng katoliko dyan sainyo at kumunsulta kayo sa pari kung ano ang mas mainam na gawin. God bless”

“Doctor kailangan niyan hindi exorcist.”

“Kong totoong sinaniban yan dapat pakawalan nila. Kase Sabi sa napanood ko pag Meron daw sinasaniban tapos gusto lumipad bitawan daw para malaman Kong totoo ba talaga na lilipad…”

“kung sinapian bakit naka hashtag pa kayo kay tulfo at jessica soho? para magpainterview at makita sa tv sasabihin ni jessica DI UMANO MAY SINAPIAN”

“Pwede patignan muna sa specialista, baka may issue mental health which is minsan napapagkamalang sanib.”

“Bakit mag wait kayo sa KMJS Hindi po kayo matutulongan non.. may sapi po Ang kapatid mo… Punta kayo Ng simbahan”

“Tumawag kau nnang alagad ng mga Dios….para palayasin ang masamang Espiritu”

Humihingi ng saklolo ang isang netizen sa Surigao Del Sur para sa kapatid nitong sinaniban umano ng masamang espiritu.

“Gagawin ni Tulfo sa sinasapian? Kakasuhan nyo yung kapre/demonyo/espirito?”

“Take him to the hospital! Have a psychiatrist check on him. Or a neurosurgeon or something. Gosh. He’ll die if you do that to him.”

“Mam ipahospital nyo na lang po. Malayo po ba kayo sa hospital? Kung biglaan lang baka may infection siya or may trauma na di nyo alam. Better get him na iscan. At kung sa hospital mabigyan ng gamot para kumalma. Hindi siya mag rerelax kung lagi tinatali”

“Maayo na sya kon ipa check up sa mental kai injecionan na sya ug pakalma, advice lng ning akoa, kai basin napasmohan na sya.”

“Kong ikaw ay maniwala sa amang liwanag sa kalangitan at amang Jesus sa langit kuhaka ng tubig na lagyan no nga kunting Asin at itaas Kay amang liwanag sa kalangitan na papalitan Ang tubig na galing sa kalangitan at ipainom sa kanya”

“Naku, sa albularyo po dalhin yan. Samahan po ng dasal. Kawawa nman si kuya”

“Sa mga ignorante at tinatawanan yung pic na to at kung ano ano pang tinatawag, kung wala kaung magandang sasabihin wag nalang kaung mag comment at scroll down nalang po hane, maswerte kau at d nyo pa naranasan yan at kung d kau naniniwala sa ganyan…”

“Totoo po yan ng yari po yan sa bayaw kong lalaki sinapian sya may video pa nga ako e”

As of this writing, mayroon nang halos 5K shares ang nasabing Facebook post.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: