Organizer ng community pantry, nawindang sa ‘demanding’ na nanghihingi ng ayuda

Viral ngayon sa social media ang post ng isang organizer ng community pantry na hindi makapaniwala sa hiling ng isang nanghihingi ng ayuda.

Sa Facebook post ni Sofia Madrigal, ibinahagi niya ang screenshot ng usapan nila ng isang nagpakilalang taga-Bicutan.

Hindi makapaniwala si Sofia sa kinahinatnan ng kanilang pag-uusap.

Im speechless 😶 PASENSYA KANA ATE HAH HINDI KO ABOT EXPECTATION MO, HINDI NAMAN KASI GANUN KADALI IM WILLING NAMAN PO MAGBIGAY DI LANG TALAGA ABOT SA KAILANGAN MO. PASENSYA NA NAGING MAYABANG PA TULOY AKO.

Nagpaliwanag siya na may target lang kasi sila sa community party at sadyang hindi na maaabot ang request ng kausap.

150 PACKS LANG KASI YONG TARGET TALAGA NAMIN AND 50 PACKS PARA SA MGA DELIVERY RIDERS NATIN. KUNG ALAM KO PO SANA NA GANUN KADAMI NEEDS NYO E DI SANA PO NAPAGHANDAAN PO DIBA? AKO PA TULOY NAGING MAYABANG GODBLESS YOU ❤️

PHOTO: Facebook | Sofia Madrigal

Ang request kasi nito ay ipadala sa Lalamove ang hinihinging ayuda dahil taga-Bicutan pa ito at nasa Alabang naman ang nasabing community pantry.

Maliban sa request na delivery, pang-16 na kapamilya pa ang hinihingi nitong ayuda.

PHOTO: Facebook | Sofia Madrigal

Pumayag naman si Sofia sa mga request nito ngunit sinabi niyang sa susunod na batch na lamang niya maiapahatid ang pang-16 na katao.

Hindi niya inasahan ang isinagot sa kanya:

Tagal mamatay na kami nyan.

PHOTO: Facebook | Sofia Madrigal

Sinubukang mag-alok ni Sofia ng solusyon na gagawanniya ng paraan ngunit hindi na aabot sa 16 na hinihingi ng kausap.

Ngunit mapilit pa rin ito hanggang sa nagsabi na ng:

Ate community pantry po para yan sa lahat hahaha ano ba yan hindi naman pala kaya sana hindi nalang community pantry.

Sumagot naman si Sofia at nagpaliwanag:

ALAM KO PO YUNG COMMUNITY PANTRY PARA SA LAHAT! PERO TRY TO UNDERSTAND PO NA HINDI PO GANUN KADALI YUNG REQUEST NYO NA MAG BIGAY KAMI NG 16 PACKS KASI UNA PO SA LAHAT MAY TARGET PO KAMI NA PAG BIBIGYAN NG MGA RELIEF GOODS. HINDI NAMAN PO PROBLEMA SA AMIN NA I-INSERT KAYO YON NGA LANG PO HINDI ABOT  TALAGA SA 16PACKS pero pag sa second batch kahit more than 16pcks kava po namin.

PHOTO: Facebook | Sofia Madrigal

Tila hindi maintindihan ng kausap ang paliwanag at hindi niya inasahan ang sumunod na reply.

Wg na lang ibigay mo na lang da dukhang nangangailangan puro yabang di naman pala kaya.

PHOTO: Facebook | Sofia Madrigal

Agad nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Bukas makalawa magsosorry na yan.. At sasabihin hindi sya angbgumagamit ng accnt na yun.. Hahaha kakaloka nman.. Tadaw dumito ka sa bicol at akoy may natitira pa ditong mga reliefs para sa mga dukha na katulad mo…”

“Ke Raffy Tulfo ka humingi, gumawa ka lang ng issue na kaka-awaan ka ni Tulfo, tapos humiling ka ng humiling. O kaya magiiiyak ka ke Kuya Will o ke Bossing Vic. Tiyak iyang 16 tao na iyan tiba-tiba na 😂”

“Nakakahiya naman naman sa hinihingi hahahaha”

“Sarap iPm si mel fajardo kukumustahin ko sana kung buhay pa sila✌️kaso di na mahanap ang fb nya🤣”

“so Ganun talaga kakapal mukha nya! haha sya na nanghihingi demanding pa… tao talaga di makontento.”

“pnpnsin p kc mga gnyn dpt jn niratsa agad kapal ng mkha.. godbless maam wag n pnsinin mga sira ulong kulng s aruha”

“Wow ganito na pala katindi yung pagiging demanding ng humihingi ng ayuda ngayon?”

“Matatawa ka na lng talaga sa mga taong ganun kababaw hahaha”

“Nkakahiya naman s patago nyang 16packs.”

“Taray. Community pantry sya. So dapat sya mismo ppunta. Ang kapal din eh. Gusto pa ipa lalamove. Ahahahaha”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: