Video ni Moira Dela Torre na may gamit na ‘giant shield’ habang kumakanta, viral sa social media

Trending topic sa Twitter ngayong araw ang singer na si Moira Dela Torre.

Ito ay matapos mag-viral ang isang video na nakuhanan siyang kumakanta ng kanyang hit song na “Tagpuan” sa isang event.

Unang lumitaw at kumalat sa TikTok ang video bago ito tuluyang kumalat na rin sa Twitter.

Sa 28-second video clip na ini-upload ni TikTok user @atenyochona, makikita si Moira na kumakanta habang may hawak-hawak na pagkalaki-laking shield.

Sa paglalakad niya habang kumakanta ay hila-hila o tulak-tulak niya rin ang nasabing shield dahil may gulong ito.

Sa bandang dulo ng clip ay iniwan ni Moira ang nasabing shield at lumapit sa isang audience at iniabot ang hawak na microphone at niyaya itong kumanta.

Hindi nakalagay sa post kung saan kuha ang viral na video ngunit kung pagbabasehan ang Instagram post ng singer nitong mga nakaraang araw, siya ay nasa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas.

Bagama’t ginawang biruan ng mga netizens ang ‘giant shield’ na gamit ni Moira, naging concern din ng ilan ang ginawa nitong pagpapahiram ng mikropono sa isang audience.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa viral video na ito.

“Face Shield pro max 🤣”

“Ok lng..no big deal.. Prevention is better than cure..pinoy lng nmn mahilig sa issue.. Ay nkalimutan ko..philippines is a country of perfect and god people pla”

“Don’t worry my friend I am your shield – lolita tank”

“Baka tatalsik or matalksikan ng laway…may sariling sanitizer din ung mic daw at wala naman daw hangin sa loob at di nakaOn ang AC kaya walang lilipad na COVID”

“Si LOLITA singer na”

“Over acting lang, ha ha, eh pwede nman sya di na lang magperform , dahil ayaw nya magkacovid, 😁😂😂 ano akala nya jan? May power ranger shield?”

“Face shield pa.tapos pinakanta yung isang guest gamit mic niya binaba pa nung guest yung mask.🙄🤣”

“Bkit iniwan nya nawala tuloy Ang purpose nung max face shield nya”

“Naka shield pero ipinasa ung mic🥴”

“Bullet proof daw yon!”

“Laki ng face shield…tapos pinahiram sa iba yung mic…hahahaha”

“ayos lang yun pra protektado sya😊😊😊”

“Pero pinahiram ang microphone sa audience.”

Anong masasabi mo tungkol dito?

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: