Birthday cake na may palamuting ipis, patok sa social media

Patok sa mga netizens ang isang Facebook post tungkol sa personalized cake na may kakaibang disensyo.

Sa post ni Christine Gil Gestosani, makikita ang mga larawan ng isang birthday cake na may palamuting mga ipis at mga itlog nito.

PHOTO: Facebook | Christine Gil Gestosani

Aniya sa caption ng post:

Tindig-balahibo while working. But this is love no? Hahahaha loving someone is to scare them with their own birthday cake hahahahahaha.

PHOTO: Facebook | Christine Gil Gestosani

Agad naman niyang nilinaw na edible o nakakain ang mga inilagay niyang disenyo.

Fyi all ipis are edible pati tiny eggs.

PHOTO: Facebook | Christine Gil Gestosani

Agad itong umani ng iba’t ibang komento at reaksiyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon nila (published as is).

“Ayos na concept to nkaka gana”

“Hahaha parang ayokong kainin. Puwedeng-puwedeng ipandisplay sa mga social media, very unique. pero parang nakakailang pa rin hahaha”

“Gaganahan ka pa kayang kumain kapag ganito? HAHAHAHA”

“Ito ata ang desert na hindi nakakagana. HAHA”

“Ang galing! Sinong mag-aakalang puwede palang gawing design sa cake ang mga ipis! Tingnan natin kung may magtatangkang mag-uwi niyan kaagad hahaha.”

“Iba din! Mukha namang masarap.”

“Ang creative. Good job sa baker”

“Magiging happy kaya ang birthday boy?”

“This is very interesting! Hahaha. Ang galing ng pagkakagawa nito, grabe. Ganito na lang ang ireregalo ko sa kaibigan ko, hahaha”

PHOTO: Facebook | Christine Gil Gestosani

“Bet ko to! Hahahaha”

“Yung birthday ng jowa mo pero galit ka sa kanya, ganito ang bilhin mo. Hahaha”

“Baka akala mo design pa yung kinakain mo pero totoong ipis na pala.”

“Magagaling talaga ang Pinoy sa ganito.”

“Sayang. Ang layo pala. Gusto ko pa naman umorder.”

“Parang di ko keri kainin ang ganyan”

“Baka mamaya kapag takot sa ipis ang makakuha niya, bigla na lang manikip ang dibdib dahil sa takot hahaha. Pero nice idea ito.” 

“Sana may ganyan din dito sa amin”

“Money cake pa rin over this one. Hehe”

As of this writing, mayroon nang 21K shares ang nasabing post.

Ikaw, gusto mo ba ng ganitong cake?

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: