Rufa Mae Quinto, nag-pose sa isang Hollywood magazine

Todo Con Todo na To! Go Go Go!!!!

Ito ang pasabog ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto na masaya niyang ibinahagi sa mga followers niya sa Instagram.

Ikinuwento niya na nakatrabaho niya ang isa sa pinakamagagaling na photographers sa San Francisco para sa isang proyekto.

Pasabog for the week ! I had the pleasure of shooting with one of San Francisco’s Top Photographers @vinniegotti for an upcoming magazine cover in Showbiz Hollywood @showbizmagazine. It will be release May 11th.

Hindi raw siya makapaniwala na nakasama niya rin sa proyektong ito ang ilang Oscar-nominated celebrities.

All oscars celebrities ka sabay ko na. Walang impossible. Abangan ninyong lahat at Todo Con Todo na To! Go Go Go !!!!

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala na napasama siya sa nasabing proyekto.

Di ko Ma explain sa asawa ko na nasa Hollywood cover magazine na ako, Kasi di ako makapaniwala into in Hollywood magazine with the best of the best . Natawa ako habang sinasabi ko sa asawa ko na hollywood nga ito ❤️🇵🇭🇺🇸.

Ibinahagi rin niya ang paka-miss sa ganitong trabaho.

Salamat sa Lahat na miss ko mag pose ng ganito … So proud to be a Filipino! Hinde na ito joke ,

Matatandaang naging paboritong cover girl din si Rufa Mae sa iba’t ibang magazines sa Pilipinas noon.

Huli siyang napanood sa telebisyon sa pamamagitan ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home kasama sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

Simula nang lumipat sa California ang actress-comedienne ay sa YouTube vlogs na lamang niya muna napapanood ang ilang updates tungkol sa buhay pamilya nito.

Samantala, isa si Rufa Mae sa magbibida sa mga bagong episodes ng longest running drama anthology show ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.

Basa sa patikim na inilabas sa Facebook page ng show, ang episode na pagbibidahan nina Rufa Mae at Michelle Vito ay ipapalabas sa May 29.

PHOTO: ABS-CBN | MMK

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: