Dra. Vicki Belo to Julia Barretto: “This is the sexiest buntis I’ve ever met.”

Ginulat ng sikat na celebrity doctor na si Vicki Belo ang publiko nang tawagin niyang “sexiest buntis” si Julia Barretto.

Ito nangyari sa isang vlog kung saan kasama ni Julia sina Dra. Vicki, Hayden Kho, at ang anak nilang si Scarlet Snow.

Habang ipinagluluto ni Julia ang mga bisita ay nagkaroon ng kaunting chikahan.

Nagsimulang magbiro si Dra. Belo tungkol sa mga plano ni Julia sa pagpapakasal.

Tanong niya kay Julia, “When are you getting married, Juls?

Game naman si Julia na sinakyan ang pagbibiro ng doktora.

Next month,” sagot ng aktres.

Sa follow up question naman ni Dra. Belo ay tinanon gnito kung kailan manganganak ang aktres.

“When are you giving birth?”

Mabilis din ang naging sagot ni Julia dito na, “Next month.”

Dito na tila nagparinig si Dra. Belo sa mga gumagawa ng kuwento tungkol sa umano’y pagdadalang-tao ng aktres.

“See? This is the sexiest na buntis girl I’ve ever met.”

Matatandaang lumutang ang tsismis na umano’y ipinagbubuntis na ng aktres ang anak nila ni Gerald Anderson.

“Sabi ko sa kanya kanina, ‘Don’t feel bad na people are talking about you. That means you are so relevant and you’re so sikat.”

Naging kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa matapos madawit ang pangalan ni Julia sa hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: