Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang isang grupo ng mga kababaihan sa Kapitolyo, Pasig City matapos silang makuhanan ng video na namakyaw ng mga supplies sa isang community pantry.
Kumalat ang nasabing video sa social media at pinagpiyestahan sa kwentuhan ang ginawa ng anim na babae.
Sa video na kuha ng CCTV, naaktuhan silang sumugod sa isang mesa na nagsisilbing lalagyan ng iba’t ibang pagkain para sa community pantry.
Matapos palibutan ang mesa, inilabas nila ang dalang mga lalagyan at sinimot ang supplies na nasa mesa.
Kita rin sa video ang pagbitbit ng isang babae sa dalawang tray ng itlog.
Maliban sa CCTV footage, may isa pang video ang kumalat na umano’y kuha naman ng isang tricyle driver.
Dahil sa pagkalat ng video, nagsulputan rin ang iba’t ibang memes na ginawang katatawanan ang mga babae sa video.
Binansagan rin ng mga netizens ang babaeng bumitbit ng dalawang tray ng itlog bilang “Itlog Queen”.
Sa isang interview, ipinaliwanang naman ng nasabing mga babae ang kanilang panig.
Ayon sa kanila, may permiso naman ng barangay tanod ang ginawa nilang pagkuha ng mga supplies doon.
Bago kami kumuha, nagtanong pa kami. Ang sabi pa sa amin ng tanod doon, ‘O, sige, okey lang.’
Sabi din sa amin ng may-ari na okey lang. Para naman ‘yan sa karamihan. So pag-uwi namin, namahagi din kami.
Ipinamahagi rin naman daw nila sa mga kapitbahay ang mga kinuha nilang groceries.
Pinatotohanan din naman ito ng ilan sa kanilang mga kapitbahay.
Sa ulat naman ng Frontline Pilinas sa TV5, ikinuwento ng tinaguriang “Itlog Queen” na si Maricar Adriano ang dinaranas na bashing at pangugutya mula sa publiko.
Sa tuwing lalabas daw sila ng bahay, tinatawag silang magnanakaw at patay-gutom.
Dahil dito, sumadya na sila sa barangay hall upang magsampa ng reklamo laban sa tricycle driver na kumuha ng cellphone video at nag-upload nito sa social media.
Balak umano nila itong sampahan ng kasong ‘cyber libel’ dahil sa inabot nilang kahihiyan dahil sa video.
Ibinunyag din ni Maricar na nakakatanggap sila ng banta sa buhay dahil sa viral video.
Nanawagan rin siya kay Raffy Tulfo upang mapagharap umano sila at ang nagpasimula ng community pantry na si Carla Quiogue.
Si Carla rin ang nag-upload ng CCTV footage kung saan makikita ang ginawang panlilimas ng grupo ni Maricar sa community pantry.
Gusto rin ng kampo ni Maricar na mag-public apology si Carla sa kanila dahil sa idinulot sa kanila ng nag-viral na video.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily