Foreigner na nagpa-tattoo, ‘pinaglaruan’ ng Pinoy tattoo artist?

Umani ng batikos ang isang Pinoy tattoo artist na umano’y ginawang katatawanan ang isang foreigner.

Sa isang Facebook post ni Arjay Villa, ibinahagi niya ang ilang larawan ng isang lalaking foreigner na may tattoo ng iba’t ibang salitang Filipino sa katawan.

Ang ilan sa mga naka-tattoo sa katawan nito ay pawang mga bastos.

Kabilang na dito ang mga salitang buang, manyak, nganga, kant*t tayo, makulit, pasaway, at malibog.

Agad nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

Narito ang kabuuan ng caption sa nasabing mga larawan.

“Nakita ko lang to tol sa news feed ko napagtripan daw siya sa boracay and im not sure kung kailan ang sabi tunay na tattoo daw not henna (Ayon sa mga comments) at di daw alam ni boss ang tunay na meaning.

“Sa mga kapatid nating tattoo artist pag alam mong pinag titripan siya sabihan mo kung ano ibig sabihin ng pinapattoo sa kanya para aware sya pero kung ikaw mismo ang mangtitrip wag ganun tol artist ka diba.”

“Anyway walang wala yan kung reremedyohan ng mga pro tattoo artist pero sana mga tol ilugar ang trip yung di nakakasagasa.

“Nab4dtrip lang ako kase sa isang post puro HAHA react which is this is not funny.

“Respect Others

“RespectKapwaArtist

“RESPECT”

Agad ding dumagsa ang mga komento ng netizens.

Naawa sila sa foreigner na tila walang kaalam-alam sa kahulugan ng mga nasabing salita na ngayon ay nakaburda na sa kanyang katawan.

Samantala, kabilang sa mga nagkomento ang sinasabing tattoo artist na gumawa ng tattoo ng foreigner sa larawan.

Itinanggi niya ang akusasyon na ibinabato sa kanya ng nag-post ng mga larawan, maging ang mga komento ng mga netizens.

Ayon sa kanya, may pahintulot umano mula sa foreigner ang paglalagay ng mga salita na inilagay niya sa katawan nito.

Sinabi rin niya na kaibigan ng tatay niya ang foreigner at sadya rin umano ang paglalagay ng mga salitang iyon sa katawan nito.

Matagal na raw na nakatira sa Pilipinas ang foreigner at naiintindihan naman nito ang kahulugan ng mga salitang nakalagay sa tattoo nito.

Ang foreigner ay nakilalang si Alphie Carter.

 

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: