Bote ng softdrinks na ‘nakapalaman’ sa pader ng bagong bahay, inireklamo ng may-ari

Bahay mo may bote ng Coke, payag ka ghorl?

Ito ang naging tanong ng isang home owner sa kanyang Facebook post ng naging viral kamakailan.

Inilabas ni Lem Quiñosa Reyes sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post ang kanyang reklamo sa home developer ng bahay na pinag-ipunan niya ng ilang taon.

PHOTO: Facebook | Lem Quiñosa Reyes

 

Bumili siya ng two-storey “Armina Single Firewall” model noong June 2017 at na-turn over ito sa kanya noong September 2020.

At nang naglilinis na siya dito dahil pwede nang lipatan, may bumagsak na piraso ng semento sa sahig habang nagwawalis siya.

At dito na nga niya nadiskubre ang isang walang laman na bote ng softdrinks na nakapalaman sa semento sa may pintuan ng bahay.

PHOTO: Facebook | Lem Quiñosa Reyes

Sinubukan niyang ireklamo ito sa development engineer ngunit walang humaharap sa kanya.

At dahil nga dismayado siya sa bahay, gusto niya ng full refund mula sa management ngunit ayon umano sa mga ito, hindi siya qualified para dito.

Narito ang kabuuan ng nasabing post (published as is):

Bahay mo may bote ng coke payag ka ghorl???

Okay, kwentuhan muna tayo 3 years ago nung nagdecide ako kumuha ng bahay sa LUMINA HOMES SA TANZA. SINGLE FIREWALL Kasi sabi “TOP I DEVELOPER”. Syempre excited si ate mo ghorl, Dream ko yarn ehhh. madelay lang bayad, bilis mag penalty!!! so total, may kakayahan na ako bayaran kahit paano. Deferred cash na siya hanggang na fully paid ko. Million yorn . Sabi sakin 2 years lang ready na bahay. June 2017 ko kinuha, na transfer lang sakin nung september 18, 2020. Nung nabigay na sakin susi ko, okay naman sana. Aayusin ko na sana. Kasi ready na ako lipatan. Suddenly, ayan. May natagpuan akong bote ng coke at FYI. WALANG LAMAN! di sobra gigil ko that time. May bumagsak sa paanan ko banda nung nagwawalis ako. Semento galing sa itaas. Pagtingin ko, Bottle of coke! (Latent defect) meaning ,not readily observable, Probably wont be found in inspection.

KASI NGA INTENTIONALLY YUNG PAGLALAGAY NG BOTE. Hinahanap ko engineer ng Lumina, aba wala! Nag complaint ako sa LUMINA TANZA. Pinadala saakin electricians (may Videos ako ng pinagsasabi ng mga tauhan nila). Maski sila shookt. “ay sa contractor po kasi yan, PAKYAWAN. Nako! PINALAMANAN NILA NG BOTE NG COKE” grabeee dibaaa??? Major complaint! Safety ng taang titira. I trusted LUMINA HOMES kasi MATIBAY NGA DAW (Talaga ba????) tapos instead na sila maghabol sakin because it’s a major complaint. “SAFETY ISSUES’. Wala lang. Nakipag coordinate lang sakin isang tao, Customer representative nila. 3 months na complaint ko, nganga! I am asking for a full refund, lahat lahat kasama legal rate and damage fee. Then sabi ng legal office na never naman nakipag coordinate sakin after 3 months e hindi ako qualified for any interest! sana pda di na ako kumuha sainyo. sinayang ko taon ko sainyo tapos wala naman kwenta gumawa ng bahay. inaksaya niyo pa gasolina ko kakapunta sa bahay na may bote jusmiyo kayo. Tapos chill lang sila nung nag complaint ako

(PHASE 3. BLOCK 7 LOT I7)

Based sa kapitbahay pa namin sa tanza, kanila nga daw binarena nila, karton karton naman nabarena mla! So meaning may halo yung gawa. palamanan niyo pa ng iba’t ibang trip niyo! (Masaklap d nila alam sino nag construct bahay ko). Ang offer e aayusin. E gabi ko gusto ko gibain, aba malay ko kung ilang coke meron diyan. Safety ng titira inaalala ko SALAMAT NALANG TALAGA SA LAHAT LUMINA HOMES! Di na kayo makakaulit talaga. Sakalam kayo. Hirap na hirap ako pabalik bank sa once niyo sa ‘lanza para sa pera ko. Dapat nga ipriority niyo yun. Tsaka dapat ipagiba yan kasi kawawa yung titira. Sa ibang bansa gigibain yang mga ganyang bahay e. PAGIBA NIYO YAN! Tapos aayusin lang at bebenta niya lang ulit. goodluck. NUMBER 1 PRIORITY NYO DAPAT SAFETY!! !!

PHOTO: Facebook | Lem Quiñosa Reyes

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: