Mayor Vico Sotto: “Huwag n’yo na po idagdag ‘yung puwet ninyo sa iniisip ko.”

Okay lang naman mabakunahan sa puwet. Normal ‘yan, medikal naman ang usapan pero pakiusap huwag niyo na po i-send sa akin.

Ito ang naging pakiusap ni Mayor Vico Sotto sa mga nasasakupan niya sa Pasig City.

Hindi lamang daw kasi isang beses nang may nag-send sa kanya ng litrato ng puwet na habang binakunahan.

PHOTO: Facebook | Mayor Vico Sotto

Idinaan na lang niya sa tila birong-totoo ang sumunod niyang sinabi.

Ang dami ko na pong iniisip, wag n’yo na po idagdag ‘yung puwet ninyo sa iniisip ko.

Paliwanag ni Mayor Vico, ang iba raw kasi ay sa puwet nagpapaturok dahil hindi pupuwede sa braso na may tattoo.

Minsan kasi pag may tattoo, bawal magpaturok sa braso. Hindi puwede sa tattoo site yung injection.

‘Pag sa braso, okay lang, i-send niyo sa akin.

Isa si Mayor Vico sa mga active sa social media sa pagbibigay ng updates sa kanyang constituents hinggil sa status ng pagpapabakuna sa kanilang lugar.

Ilang beses na rin siyang nagbahagi ng mga larawan ng mga residenteng nakatanggap na ng bakuna.

PHOTO: Facebook | Mayor Vico Sotto

Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko si Mayor Vico dahil sa sistematiko at organisadong paraan ng pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng Pasig nang muli itong mapasailalim sa ECQ o enhanced community quarantine.

Sa halip kasi na papilahin pa ang mga residente para makakuha ng ayuda, nagsagawa na lamang ng pagbabahay-bahay na pamamahagi ng ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: