Pakikipagsagutan ng doktora sa isang pasyenteng namatayan ng bagong-silang na anak, nakunan sa video

Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post kung saan mapapanood ang pagsasagutan ng isang doktora at isang pasyente.

Ayon sa ulat ng Bandera News TV Philippines, naganap ang insidente sa loob ng Culion Sanitarium and General Hospital sa bayan ng Culion, Palawan.

PHOTO: Facebook | Bandera News TV Philippines

Makikita sa video na ang pagsasabi ng pasyente na nais nang makauwi sa kanila sa Coron matapos itong manganak sa nasabing ospital.

Sa pagpapatuloy ng video, maririnig din na nagnanais siyang humingi ng tamang paliwanag tungkol sa pagkamatay ng kanyang bagong panganak na sanggol.

Maririnig din ang pagiging emosyonal ng nasabing pasyente, pati na rin ang pagtawag nito sa doktora na “walang kwenta.”

Dito na nagsimula ang tila pag-init na ring tuluyan ng ulo ng doktora kung kaya’t nagawa na nitong sagut-sagutin ang pasyente.

Ang pasyente ay kinilalang si Elizabeth Cuaton ng Barangay Borac, Coron, Palawan.

Samantala, ayon kay Dr. Arturo Cunanan, chiel of hospital ng nasabing pagamutan, bumuo na sila ng investigating panel upang malaman ang puno’t dulo ng nasabing pangyayari.

Kaagad dinagsa ng iba’t ibang reaksiyon ang nasabing post.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“ganyan tlaga pag public hospital dnas ko rin ganyan tlaga cla khit nga naghihingalo n ang pasyente pag patay bn saka lang nila aasikasuhin sanay n sanay n kc mga yan tigas n ng mga dandamin ng mga yan kya normal lang sa knila ang ganyan god blessyou n lang dok more power n lang sa inio mga nurse at doctor n mga suplada sana d manyare sa pmilya mu ang gnitong sistema”

“Pinapakita lang sa video yung ginawa ng doctor pero hindi natin alam kung ano talaga ang punot dulo ng pagaaway nila. Kaya wag agad maghusga. Kaya nga tinawag na hospital my pasyente..”

“Cguro matagal na ginagawa ni doc. Ung ganitong pag uugali sa mga pasyente nya.. Nakatagpo ka lang ng katapat mo..”

“Buryong utak ng pasyente namatay anak,bill nila sa hospital kong raraspahin mo gastos din yun sa hirap ng buhay ngayon..dapat ikaw doc ikaw mg adjust sa dami ng sinabi mo good luck nalang DoC.”

“We dont know hehind d story ung nagbivideo parang nanghahamon din kasi magagalit din talga ang doctor kasi sabihan mo ba nmang di sya mgaling at walang kentang doctor.”

“Huwag po tayong mang husga.kay nanay masakit talaga ang nangyari sa kanya dahil namatyan sya ng babay kaya lng hndi pa pala nailabas ni nanay at gusto nya na umuwi eh aba dilikado nga yun.kay doc alam namin pagod po kayo piro sa work nyo eh nag iisa lng yata kayo jan kaya lng doc hndi muna sana din pinatulan ikaw pa napasama,cguro subrang kulit ung pasyinti mo alam k naman na lahat kayong mga doc.magagaling lalong lalo na sa pag uugali napag aralan nyo yan eh sadyang napuno k nga doc at dala n rin ng pagod yan….”

“Masama ugali ng pasyente na yan, Anu pinapalabas nya na kampihan sya ng mga tao, di sya pinapalabas ng doctor dahil baka ma infection daw, yan ang pagka intindi ko, nagmamalaki pa yang pasyente…”

“Ang mali lang ng doctora kasi di sya nakapagpigil sa temper nya napatulan nya makipagsigawan, but overall ang pasyente may kasalanan…”

PHOTO: Facebook | Bandera News TV Philippines

As of this writing, mayroon nang 5.6 million views ang viral video.

Panoorin ang nasabing video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: