Usap-usapan ngayon sa social media ang naging ulat ng ABS-CBN news reporter na si Chiara Zambrano sa TV Patrol kagabi, April 8.
Ito ay may kinalaman sa paghabol ng mga armadong barko ng Tsina sa bangkang sinasakyan ng ABS-CBN news na noo’y nasa loob pa ng teritoryo ng Pilipinas.
Sinubukan ng ABS-CBN news team kasama si Chiara Zambrano na puntahan ang Ayungin Shoal para kumustahin ang kalagayan ng mga kababayan nating mangingisda.
Sa kanyang report sa TV Patrol, kasalukuyan pa silang nasa West Philippine Sea at naglalayag pauwi.
Nandito kasi tayo dahil sa mga balitang lumalabas nitong mga nakaraang linggo na may ilang daang barko na ng China ang nakakalat sa West Philippine Sea at ‘yung mga dating pangisdaan ng mga Filipino ay tila sila na ang nakapuwesto doon.
Kaya naghanap tayo ng mga mangingisdang Filipino para makausap at makumusta kung saan na sila nangingisda ngayon, anong pakiramdam nila sa sitwasyon.
At isa sa mga bakurang pupuntahan sana natin ay yung Ayungin Shoal.
Mayroong detachment ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa Ayungin Shoal kaya naisipan ng ABS-CBN news team na maaaring pumunta doon ang mga magingisdang Pinoy dahil magiging kampante ang mga ito dahil sa presensiya ng AFP.
Ngunit ang nangyari raw ay hindi na sila nakalapit sa Ayungin Shoal dahil papunta pa lamang sila doon, may lumapit nang puting barko ng China Coast Guard patungo sa direksyon ng kanilang bangka.
Di raw nagtagal ay nagradyo ang barko ng China upang tanungin kung sino sila at kung ano ang ginagawa nila doon.
At dahil salitang Ingles ang ginamit, hindi umano ito naintindihan ng nagpapatakbo o nagtitimon ng bangka kung kaya sa halip na sagutin ay nagdesisyon silang bumwelta na lang pabalik ng kalupaan ng Pilipinas.
Ngunit kahit nasa ruta na raw sila pabalik ng mainland Palawan, ay may isang oras pa rin silang sinundan at hinabol ng nasabing puting barko.
At nang huminto na sa pagsunod ang barko ng China Coast Guard, pumalit naman daw dito ang dalawang mas maliit ngunit mas mabilis na armadong sasakyang pandagat ng China.
Umabot umano ng kalahating oras ang pagsunod ng mga armadong sasakyang ito sa bangka na sinasakyan ng ABS-CBN news team.
Nang tingnan nila ang kanilang location sa pamamagitan ng GPS o global positioning system, ang bangka ay nasa 90 nautical miles lamang umano mula sa mainland Palawan.
Ibig sabihin nito, nasa loob pa sila ng teritoryo ng Pilipinas dahil sakop pa ito ng EEZ o exclusive economic zone ng bansa.
Malinaw na malinaw na nasa loob kami ng exclusive economic zone kung saan dapat malaya na nakakapangisda at nakakapaglayag ang lahat ng Filipino, at ang lahat ng yamang-dagat dito ay para sa Pilipinas at tayo dapat ang nakikinabang. Pero sa halip, ito na nga ang nangyayari.
Panoorin ang buong ulat ni Chiara Zambrano dito.
Hinabol ng mga barko ng China na armado ng missile ang bangkang de motor na sinasakyan ng ABS-CBN News Team. Ito ay sa loob mismo ng exclusive economic zone ng Pilipinas. | ulat ni @chiarazambrano pic.twitter.com/Kd4zEDmwLz
— TV Patrol (@TVPatrol) April 8, 2021
Samantala, umani ang naturang report ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Nasaan na ang nagsabing magje-jetski daw papunta dyan? Gising na ba?”
“Ang tapang ng ABS-CBN news at ni Chiara Zambrano! Saludo!”
“China, a maritime bully. While the world is busy with COVID response, there you are busy harassing Filipinos in the Philippine waters. They only know what money is but not sovereignty.”
“Wala nang prangkisa yan ahh…. Kung DDS ka pa rin ngayon? BAKET???”
“ang lala kasi hinahayaan lang ng gobyerno na babuyin tayo sa sarili nating karagatan”
“Philippines, Province of China”
“That is what you call #ParaSaBayan. Take care ABS-CBN News Team.”
“Eto na ang challenge ngayon sa gobyerno sa Araw ng Kagitingan”
“Grabeh na sinakop na tlga ng China.”
“ingat and God bless you Ms. Chiara and your team. habang hinahabol sila sa dagat ung mag amo nandun safe at nagsiselfie selfie lang.”
“if this ain’t enough as an eye opener for our goddamn government, i don’t even know anymore.”
“Malala na ‘to. Imagine ayaw na tayong papasukin sa sarili nating bakuran? Tapos BFF ang turing nyo sa kanila?”