Bea Alonzo on relationship with Gerald Anderson: “Para ‘kong na-scam!”

To be honest, when he ghosted me, para ‘kong na-scam.

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Bea Alonzo sa isang exclusive interview ng Mega Entertainment kasama si G3 San Diego.

Nagbahagi ng saloobin ang aktres nang mapag-usapan ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish, I can’t even find the words to describe that man.

Matatandaan kasi na sa isang exclusive interview ni Boy Abunda, itinanggi ni Gerald na may nangyaring ‘ghosting.’

Inilarawan ng aktor ang kanilang relasyon bilang ‘unhealthy’ at ‘toxic.’

Ano po ba yung definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin, nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-walk out and di magpapakita kahit kailan. Yun ba ang definition? Or is it walking away from a very unhealthy, toxic – not saying na siya yung toxic or ako yung toxic, but being together yung very toxic, yung hindi nirerespeto yung explanation na binibigay mo, na hindi tinatanggap – after months and months and months of being on the rocks.

Ang hindi pagiging accountable ni Gerald sa nangyari hanggang ngayon ang umano’y pinaghuhugutan ng nararamdaman ngayon ni Bea.

Apart from, of course the whole infidelity thing and the whole ghosting thing, I think I’m mad at him more because he gaslighted me. I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable.

Wla pa rin umanong pagbabago ang aktor at sarili lamang nito ang pinoprotektahan.

That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish, I can’t even find the words to describe that man.

Sabi pa ni Bea, kung nagkaroon lamang siya ng pagkakataon na makumpronta ang aktor nang makita niya ito sa huling ABS-CBN ball, baka nasampal niya ito.

Nakita ko yung likod nya nung ball pero na-traffic kami. Hindi ko na siya nakita and medyo nakainom pa naman ako noon. I would’ve slapped him. I would have.

Pakiramdam daw niya ay para siyang na-scam.

To be honest, when he ghosted me, para akong na-scam. As in like, when I posted what I posted (sa Instagram), it felt like a weight off my shoulder. Parang I felt I was able to get my power back. Parang naisip ko, in my head, ‘Let me show you who I really am.’

Ito ang tinutukoy ni Bea na Instagram post na ipinost niya noong July 2019.

May caption ito na:

you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice.

ENOUGH.

Taong 2010 nang unang magkamabutihan sina Bea At Gerald ngunit hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Nagtambal sila sa Star Cinema movie na “How To Be Yours” noong 2016 at muling nagkabalikan bilang magkasintahan.

PHOTO: Star Cinema

Taong 2019 naman nang pumutok ang balita ng hiwalayan nilang dalawa.

Kamakailan lang ay umamin na si Gerald tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto.

Si Bea naman ay umaming nakikipag-date na rin sa aktor na si Dominic Roque.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: