Ivana Alawi, nakakuha na ng ‘diamond creator award’ mula sa YouTube

Sa kanyang latest vlog sa kanyang YouTube channel, isang sorpresa ang ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa kanyang mga subscribers o tagahanga.

Nagsimula ang vlog sa isang mukbang kung saan kumain ang buong pamilya niya ng Filipino breakfast.

Ginawa nila ito habang sinasagot ang ilang mga personal na tanong ng mga netizens tungkol sa kanila.

Screenshot: YouTube | Ivana Alawi

Kabilang sa mga itinanong kay Ivana ay ang kaniyang saloobin tungkol sa kontrobersiyal na prank video niya kung saan siya nagpanggap na pulubi.

Matatandaang may ilang bumatikos at nagsabi na may nilabag umano siyang batas sa ginawa niyang prank.

Screenshot: YouTube | Ivana Alawi

Kung may nalabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila ko. Haharapin ko yun. Lalaban ako, di ba?

Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong!

Ang intensiyon ko is just to help out and to inspire people.

Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video and I will do it again!

Nagbigay din siya ng updates tungkol sa pagkikita nila ni Tatay Joselito, ang kutsinta vendor na nakilala niya sa kanyang pulubi prank.

Ipinamili niya ito ng ilang kagamitan at binigyan din ng bagong motorsiklo.

Screenshot: YouTube | Ivana Alawi

Bago matapos ang kanyang vlog, inilabas na ni Ivana ang sorpresa para sa kanyang pamilya at mga subscribers.

Ito ang ‘diamond creator award‘ mula sa YouTube.

Ang ‘diamond creator award‘ o ‘diamond play button‘ ay iginagawad ng YouTube sa mga YouTube channels na nakakuha na ng 10 million subscribers o higit pa.

Screenshot: YouTube | Ivana Alawi

As of this writing, mayroon nang 12.6 million subscribers ang YouTube channel ni Ivana.

At ayon sa socialblade.com, ang channel ni Ivana ay nasa rank 11th ng mga top Youtube channels sa Pilipinas.

Screenshot: YouTube | Ivana Alawi

August 2019 ang pinakaunang vlog na ini-upload ni Ivana sa kanyang channel.

At sa kasalukuyan ay hindi bumababa sa one million views ang halos lahat ng kanyang videos.

Karamihan din sa mga ito ay napapasama agad sa trending videos sa YouTube.

As of this writing, dalawang videos niya ang nakahakot na ng mahigit 20 million views.

Ang video sa channel niya na may pinakamaraming views ay ang “A DAY IN MY LIFE” na mayroon nang 26 million views.

Sinundan ito ng 25 million views ng “NAPRANK SI IVANA! *MAY BF SI MONA*.”

Pumapangatlo sa pinakamaraming views ang kontrobersiyal na ‘pulubi prank’ na sa kasalukuyan ay patuloy pa ring humahakot ng views tatlong linggo matapos itong mai-upload.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: