Aiai Delas Alas, nagkuwento na minsang naging ‘kabit’

Mahirap maging Cavite City.

Ito ang naging pahayag ni Aiai Delas Alas nang mapag-usapan ang kanyang naging karanasan sa isang ‘complicated relationship’ dati.

Ang ‘Cavite City‘ ay slang word na ang ibig sabihin ay kabit o mistress.

Sa isang panayam sa kanya ng PEP.ph, muling binalikan ni Aiai ang mga naging karanasan niya sa pag-ibig dati.

Kabilang na rito ang nabigong relasyon sa dalawang unang asawa.

Unang-una, yung makulay kong buhay. Nakailang husband ako bago naging maayos ang buhay ko ngayon kay Gerald.

Ang tinutukoy niyang Gerald ay ang kanyang asawa ngayon na si Gerald Sibayan.

Bagama’t naka-move on na mula sa mga nakaraang failed relationships, pinili niyang ikwento pa rin ito kasama na ang mga aral na natutunan niya mula rito.

Hindi naman lahat yun, kasalanan nila eh. Siyempre may kasalanan din tayo.

Yun ang naisip ko kapag tinatanong ko, ‘Bakit kaya nangyayari ito sa akin? Ah, siguro kailangan meron ako matutunan sa experiences ko na nangyari.

Dito na ikinuwento ng komedyante ang sa tingin niya ay naging pagkakamali niya — ang pumatol sa may-asawa na.

Ito ay sa una niyang asawa na si Miguel Vera.

Taong 1989 nang ikasal silang dalawa sa huwes at huli na nag malaman niyang may legal wife pala ito.

Nung mga panahon na alam ko dati, may asawa na yung naging karelasyon ko, ipinilit ko pa rin, which is dapat hininto ko na.

Aminado siya na minsan ay matigas ang ulo niya.

Kaya lang minsan matigas ang ulo natin. ‘Ah, kasi may anak ako.’ May pinaglalaban ka, eh.

Pero, actually, kahit ganoon, mali ka pa rin kasi may asawa yung taong pinatulan mo.

Kaya kahit may anak ka, gano’n talaga. Yun ang pinili mong desisyon eh.

Dalawa ang naging anak nila ni Miguel sa loob ng pitong taong pagsasama.

Ayon sa kanya, pasakit ang inabot niya sa desisyon niyang ituloy pa rin ang maling pakikipagrelasyon.

Totoo yun na parang minamalas ka, parang mabigat ang buhay.

Yun ang isang natutunan ko. Kailangan hindi ako dumaan dun—although marami akong natutunan—kaya hindi mo na dapat uulitin.

Tuluyan silang naghiwalay noong taong 1996.

Sa ngayon ay itinuturing ni Aiai na ‘answered prayer’ ang pagsasama nila ng asawang si Gerald na mas bata sa kanya ng dalawampung taon.

Halos tatlong taon silang magkasintahan bago sila na-engage noong April 2017.

Ikinasal sila noong December 2017.

After ng mga nangyari sa buhay ko na hindi maganda, I think gift ni Lord sa akin si Gerald.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: