Sa isang YouTube video, hinimay ng isang abogado ang mga naging pahayag ng sikat na YouTuber at Kapamilya actress na si Ivana Alawi kaugnay ng sinasabing paglabag nito sa batas dahil sa isang prank video.
Kamakailan ay naging trending sa YouTube ang prank video ni Ivana kung saan ito nagpanggap na pulubi at nanghingi ng tulong sa mga tao sa lansangan.
Sa kanyang pagpapanggap, sinubok ng aktres kung may mga mabubuting-puso ang magbibigay sa kanya ng tulong.
Sinigurado naman niya na masusuklian ang kabaitan ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapalit na isang libong piso sa bawat piso na ibibigay sa kanya.
Agad umani ng positibong reaksiyon at papuri ang nasabing video at agad ring nakahakot ng million views.
(Panoorin ang nasabing prank video dito.)
Sa kabila nito, lumutang din ang usapin ng umano’y paglabag ni Ivana sa isang batas dahil sa kanyang ginawa.
Ang sinasabing batas ay ang PD No. 1563 o Anti-Mendicancy Law of the Philippines na direktang nagbabawal ng panlilimos at pagbibigay ng limos.
Agad dinipensahan ng mga tagahanga ang aktres at sinabing malinaw naman ang intensiyon niya na tumulong lang sa kapwa.
Makalipas ang ilang linggo, nagsalita na si Ivana tungkol sa issue sa pamamagitan ng kanyang latest vlog kasama ang kanyang pamilya.
Kung may nalabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila ko. Haharapin ko yun. Lalaban ako, di ba?
Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong.
Ang intensiyon ko is just to help out and to inspire people.
Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video and I will do ito again!
Sinabi rin niya na kahit naman anong gawin niya, may masasabi pa rin sa kanya ang iba.
Na-realize ko sa buhay, no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang di maganda, lagging may masasabi sila.
(Panoorin dito ang buong video.)
Sa isang video sa kanyang YouTube channel, ipinaliwanag naman ni Atty. Libayan ang mga punto kaugnay ng naging pahayag ni Ivana.
Una, sinabi nitong nagkaroon lamang ng issue dahil bagama’t hindi ang aktres ang direktang lumabag sa Anti-Mendicancy Law, tila pino-promote naman ng aktres ang panlilimos sa ginawa nito.
Nilinaw rin ng abogado na hindi applicable kay Ivana ang nasabing batas dahil hindi naman daw totoong pulubi ang binigyan nito ng tulong.
Ang naging problema diyan, parang pino-promote niya yung mga tao na mag-violate nong Anti-Mendicancy Law.
Sinabi rin ng abogado na bagama’t naki-criticize ang isang public figure ay kaso na agad ang katumbas nito.
Nagpapaalala lamang ito sa lahat lalo na sa mga influencers na maging mas maingat at mas responsable sa kanilang mga ginagawa para maging magandang halimbawa sa kanilang mga fans o followers.
Ito ang tatanungin ko sa inyo, kapag ikaw ay nanghihikayat ka na gumawa ng isang krimen katulad ng pagbibigay ng limos sa pulubi, maganda ka bang halimbawa?
(Panoorin ang buong video ng paliwanag ni Atty. Libayan dito.)
Ano ang masasabi mo tungkol sa issue na ito?