It’s a prank!
Viral ngayon ang isang Facebook post kung saan makikita ang ilang truck ng bumbero sa isang lugar sa San Juan.
Ipinost ni Lester Polillo Macion sa kanyang Facebook account ang isang larawan ng mga firetrucks na dumating sa kanilang lugar sa San Juan.
Aniya sa caption ng post:
Shoutout sa tumawag na may sunog daw dito samin. Wal*ngya ka pati bumbero pinaprank call mo.
Agad na rumesponde ang mga bumbero sa isang tawag na natanggap nila na may sunog sa lugar, ngunit wala naman pala talagang sunog sa nasabing lugar.
Isa lamang pala itong ‘prank’ o panloloko ng hindi pa nakikilang tao.
Sa panahon ngayon, tila napapadalas na ang nabibiktima ng mga ‘prank’ o panloloko.
Kamakailan lamang ay napabalita rin ang sunod-sunod na pampa-prank sa mga food delivery riders na nabibiktima ng tinatawag na ‘fake booking.’
Ang ‘fake booking’ ay ang panloloko kung saan may oorder at magpapa-deliver ng pagkain, ngunit hindi naman sisiputin ang delivery rider kapag dumating na ang delivery rider sa address na ibinigay ng customer.
May ilan din naman na mga magpapanggap na customers at oorder na pagkain at kapag ide-deliver na ay saka sasabihing ‘prank’ lamang ito.
Tila hindi na natutuwa ang mga netizens sa mga ganitong gawain kaya naman inulan ng mga galit na komento ang comment section ng nasabing post tungkol sa mga bumbero.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Kasuhan dapat yang mga prank call na yan. Eh kung sa ibang lugar talaga may sunog at kelangan yung bumbero sa halip na dun pumunta at makaresponde agad dyan pa napapunta.”
“This is too much. Guys please wag nyo naman gawing kalokohan ang mga ganitong bagay.”
“During pandemic OMG!”
“Bakit hindi mahuli-huli yung ganito ng cybercrime division?”
“Tatawag ka ulit ng bumbero kapag nasusunog ka na sa impyerno.”
“Di tao yan. Dem*nyo yang tumawag.”
“Lakas ng amats ng gumawa nyan.”
As of this writing, mayroon nang 34K shares ang nasabing Facebook post.
Bisitahin ang nasabing post dito.