Kapitan, iginiit na hindi exempted ang mga food delivery riders sa curfew

Isang video na naman na may kinalaman sa mga food delivery riders ang viral ngayon sa Facebook.

Sa post ng Facebook page na News viral, mapapanood ang isang video kung saan makikitang sinisita ng isang barangay captain ang ilang food delivery riders.

PHOTO: Facebook | News viral

Ang nasabing mga delivery riders ay magde-deliver sana ng pagkain sa lugar ngunit nasita at napagsabihan ng mismong kapitan ng barangay.

Hindi kayo exempted sa curfew. Kasama kayo sa curfew.

Ikinatwiran nito na hindi umano ligtas ang mga food delivery riders sa ipinapatupad na curfew.

Matatandaang sa muling pagpapatupad ng ECQ o enhanced community quarantine sa ilang lugar, kasabay ding ipinatupad ang curfew mula 6:00 PM hanggang 5:00 AM.

Magalang namang sumagot at nagtanong ang isang delivery rider.

Si Secretary Harry Roque po, nag-declare po siya. Ang food delivery po, 24/7 po siya.

Ang tinutukoy nito ay ang naging pahayag ng presidential spokesperson matapos mag-viral ang isang video kung saan sinita ng isang barangay official ang isang delivery rider ng lugaw dahil hindi umano ito ‘essential’ at hindi na maaaring i-deliver dahil oras na ng curfew.

Ayon kay Roque, ang lahat ng pagkain ay ‘essential’ at hindi dapat hinaharang ang delivery ng mga ito.

A video, which has been circulating online, has come to our attention. Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7.

PHOTO: ABS-CBN

Ito naman ang pinanghahawakan  ng mga delivery riders kung kaya’t alam nilang exempted sila sa ipinapatupad na curfew.

Naging magulo ang sumunod na sagot ng kapitan.

24/7, di ba? Pero ang kuwan niyan, ay kapag nagdeklara ang LGU, hindi naman komo inano ni Secretary Roque, pinapadala pa rin sa LGU or sa province kung anong direktiba ng mayor.

Tila sinasabi nito na sa kabila ng pahayag ng Malacañang, ang mga LGU o local government unit pa rin ang masusunod sa kanilang mga patakaran.

Ginawa pa nitong halimbawa ang sikat na convenience store na dati ay 24 hours na nakabukas ngunit ngayon ay hanggang alas-10 na lamang ng gabi.

Kaya dapat kayo, susunod kayo sa curfew

Sinabi pa ng kapitan na ang mga fastfoods lamang ang pinapanatiling bukas para sa mga medical frontliners.

PHOTO: Facebook | News viral

Wala nang nagawa ang mga delivery riders kundi ang sumunod sa ipinagpipilitan ng kapitan.

Hindi malinaw sa video kung saang lugar ito at kung sino ang nasabing kapitan.

Panoorin ang kabuuan ng video dito at kayo na ang bahalang humusga.

Ano ang masasabi n’yo tungkol dito?

UPDATE (as of April 7, 2021)

Nakilala ang barangay captain na nasa viral video bilang ang barangay chairman ng Sto. Cristo, Tarlac City.

Naglabas na rin ng pahayag si Tarlac City Mayor Cristy Angeles kaugnay ng isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!