Alice Dixson, isa nang ina sa edad na 51

Our newest little family member has arrived ❤️

Ito ang ibinalita ni Alice Dixson kahapon, April 2, sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Kasama ng nasabing anunsiyo ang isang larawan kung saan makikita ang aktres na may hawak na papel na may marka ng footprints ng isang sanggol.

PHOTO: Instagram | Alice Dixson

Dagdag pa niya:

Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle…

Batid raw ng mga nakakakilala sa kanya na matagal na niya itong ipinagdarasal.

For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles 🎂

So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true 🥰

Maliban dito ay wala pang ibang detalye na ibinahagi ang 51-year old actress.

Matatandaan na noong 2019 ay ikinuwento ni Alice ang plano nilang mag-asawa na magkaanak.

Napagkasunduan na raw nilang dalawa na subukan ang ‘surrogacy.’

Kinumpirma niya ito sa isang interview sa ANC.

We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that. I think this is our last year to try.

Siyam na taon nang magkasama si Alice at ang kanyang partner na nakilala niya noong 2012 sa pamamagitan ng kanyang make-up artist na si Jean Castor.

Sinubukan raw nilang makabuo ngunit bigo sila kung kaya’t napagdesiyunang sumubok ng ibang paraan. At ito nga ang ‘surrogacy.’

Sa akin it was never about the way I would look after. It was about my age and my concern about the safety of the child, the wellness of the pregnancy. I’ve tried previously and it didn’t work out. So parang my partner and I decided, ‘Okay let’s try surrogacy.’

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: