Humarap sa publiko sa pamamagitan ng isang Facebook video ngayong araw, April 2, si Brgy. Captain Marciano Gatchalian, ang punong barangay ng Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.
Ito ay upang magbigay-paliwanag tungkol sa viral video na may kinasangkutan ng isang barangay official at isang food delivery driver.
Ako po ay naririto upang makapagbigay po ng pahayag, paliwanag at makahingi na rin ng paumanhin sa ating publiko, sa atin pong kinauukulan, sa mga nakakataas po sa atin sa pamahalaan, at lalong-lalo na sa iyo, Marvin, muli akong humihingi ng paumanhin, at saka sa may-ari na rin po ng Lugaw Pilipinas.
Matatandaang kumalat sa social media ang nasabing Facebook Live video ni Marvin Ignacio, isang food delivery rider, na sinita ng isang barangay official dahil umano hindi naman ‘essential’ ang lugaw na ide-deliver sana nito sa oras ng curfew.
Iniharap ni Kapitan Gatchalian ang mga kawani ng barangay na nasama sa issue upang maipakita ang naging aksyon niya at upang maipakita na hindi niya kinukunsinti ang anumang pagkakamali o pagkukulang ng kanyang mga tauhan.
Nagpakilala ang babae sa viral video na si Phez Raymundo, VAWC (Violence Against Women and Children) desk officer.
Humingi siya ng paumanhin kay Marvin, sa may-ari ng Lugaw Pilipinas, mga Grab drivers, at sa publiko.
Kung na-offend ka sa aking nabanggit, ako ay humihingi ng paumanhin, kasama na rin po doon sa may-ari ng establishment at mga grab drivers.
Yun po ay hindi intensyonal. Dahil late na po ng madaling araw ‘yun, napagod din po siguro ako. Nagkamali po ako ng pagpili ng salita.
Matatandaang umani ng batikos mula sa publiko ang nasabing barangay official sapagkat naging magulo ang paliwanag at interpretasyon ng niya tungkol sa ipinapatupad na guidelines sa ECQ o Enhanced Community Quarantine.
Maging si presidential spokesperson Harry Roque ay agad nagbigay-klaripikasyon matapos maging viral ang nasabing video.
A video, which has been circulating online, has come to our attention.
Lugaw or any food item for that matter, is considered an essential good.
Delivery of food items must remain unhampered 24/7.
Samantala, hinangaan naman ng netizens ang ginawa ng kapitan na paghaharap sa publiko ng mga taong nasangkot sa isyung ito.
As of this writing, mayroon nang mahigit 93K views ang nasabing video sa Facebook page ng Barangay Muzon.
WATCH: Phez Raymundo, kawani ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan, humingi na ng paumanhin matapos mag viral ang video nito dahil sa ‘lugaw’ | 📹: Brgy. Muzon pic.twitter.com/pXf6AmtjzT
— DZRH NEWS (@dzrhnews) April 2, 2021