Babae sa viral ‘lugaw’ video, mayroon na umanong paliwanag

Sa isang kumakalat na larawan sa Facebook ngayon, makikita ang sinasabing pahayag ng babae na sangkot sa nag-viral na video tungkol sa pagiging ‘non-essential’ ng lugaw.

Stop bashing me, give me a chance to change my mistakes.

Ito ang sinasabing pahayag ng barangay official na naging sentro ng batikos sa social media dahil sa maling interpretasyon sa guidelines na ipinapatupad kaugnay ng ECQ o Enhanced Community Quarantine.

Wala pang kumpirmasyon ng pagkakalinlan ng nasabing barangay official, ngunit sa kumakalat ngayong larawan ng sinasabing pahayag nito, humingi ito ng apela na huwag husgahan ang pagkatao niya.

May mga pagkakamali ako pero hindi ito sapat na dahilan para i-judge nyo ang buong pagkatao ko. Tao rin ako  na nasasaktan at may hangganan ang pagtitimpi.

Nangatwiran ito na nagkakaroon lamang ng kalituhan at pagkakaiba-iba ng resolusyong ipinatutupad dahil sa umano’y kawalan ng competent na task force.

Resulta lang po ako ng maling sistema, kung meron lang tayong competent task force para sa pandemyang ito e di sana hindi magkakaroon ng kalituhan at pagkakaiba-iba ng mga resolusyon na ipinapatupad.

Inaako umano nito ang responsibilidad sa pagkakamali.

Kung ako ay nagkamali, I will take responsibility to it, BUT PLEASE IATF DOH, sana ay matuto kayo sa pangyayaring ito.

Sa huli, nagpasalamat ito sa kapitan ng barangay na umano’y nagtanggal sa kanya sa serbisyo.

SALAMAT KAP SA PAGTANGGAL SA AKIN SA SERBISYO, sa lahat  ng magandang nagawa ko sa ating barangay, isang pagkakamali lamang, NAWALAN NA AKO NG HANAPBUHAY.

Narito ang larawan ng sinasabing pahayag na ngayon ay kumakalat na rin sa social media.

Sa ngayon, wala pang kumpirmadong ulat kung totoong nanggaling nga ang pahayag na ito sa nasabing barangay official.

Matatandaang nag-ugat ang kontrobersiya sa isang viral video na ngayon ay naging sentro na ng kuro-kuro ng sambayanan.

Sa Facebook Live ng food delivery rider na si Marvin Ignacio, makikita ang paulit-ulit na pagpapaliwanag ng babaeng barangay official na hindi kasama sa ‘essentials’ ang lugaw kaya’t hindi papayagan ang delivery nito lalo na’t oras na ng curfew.

Screenshot: Facebook | Marvin Ignacio

Tila nalito ang babae kung ano nga ba talaga ang mga bawal at hindi bawal sa ipinapatupad na  quarantine.

Bagama’t maayos ang paraan ng pagpapaliwanag ng nasabing babae, umani ito ng batikos mula sa mga netizens dahil kabilang dapat sa mga ‘essentials’ ang anumang uri ng pagkain tulad ng lugaw.

Maging ang Malacañang, sa pamamagitan ng presidential spokesperson na si Harry Roque, ay naglabas na rin ng pahayag hinggil dito:

A video, which has been circulating online, has come to our attention.

Lugaw or any food item for that matter, is considered an essential good.

Delivery of food items must remain unhampered 24/7.

PHOTO: ABS-CBN

Samantala, umapela sa publiko ang delivery rider na si Marvin na tigilan ang pagpapakalat ng isa pang larawan ng isang babae na tinatawag ngayong “lugaw queen.”

Ayon sa kanya, hindi raw ito ang barangay official na nasa viral video.

Humiling din ito na tigilan ang pambabatikos sa babae na nasa larawan.

PHOTO: Facebook | Marvin Ignacio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!