Rey Valera at Randy Santiago, ‘nilayasan’ na rin ang “Tawag ng Tanghalan”

Nabawasan na naman ang mga hurado sa “Tawag ng Tanghalan” o TNT sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime.”

Ito ay matapos na makumpirma ang pag-alis nina Randy Santiago at Rey Valera sa nasabing noontime show para tanggapin ang offer ng TV5.

PHOTO: ABS-CBN

Kabilang sina Randy at Rey sa mga itinuturing na punong hurado ng nasabing singing competition.

Ilang season rin ng nasabing contest namalagi ang dalawang punong hurado.

Katatapos lamang ng ikaapat na season nito kung saan nanalo bilang grand champion si JM Yosures.

Sa kasalukuyan ay ongoing naman ang ikalimang season nito.

PHOTO: ABS-CBN

Sa paglipat ng dalawang dating TNT hurado sa TV5, pareho silang magiging bahagi ng pagbabalik sa telebisyon ng “Sing Galing.”

Si Randy ay isa sa hosts o “sing masters” kasama sina K Brosas at Donita Nose.

Samantalang si Rey naman ay kasama sa mga “jukebosses” kasama naman sina Jessa Zaragoza at Ronnie Liang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: