Kris Aquino, pinagmumura ni Mystica

Nakatanggap ng malulutong na mura mula kay Mystica si Kris Aquino.

Nanggagalaiti sa galit ang singer-actress bilang reaksiyon sa mga sinabi ni Kris sa inilabas nitong video.

Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ng isang tell-all video si Kris sa kaniyang social media accounts kung saan maraming bagay ang kaniyang isiniwalat.

Naungkat din ni Kris sa video ang pinagdaanan ng kanilang pamilya, partikular ang aniya’y sakripisyo para sa bansa ng kaniyang amang si Ninoy Aquino at inang si Cory Aquino.

Ang pagkakabanggit ni Kris sa sinasabing sakripisyo ng mga magulang naman ang tila pinag-ugatan ng pagkadismaya ni Mystica.

Ayon kay Mystica, hindi sina Ninoy at Cory ang tunay na nagsakripisyo para sa bansa kundi ang taumbayan, kasama na ang kaniyang mga magulang.

Ang kapal mo naman sabihin na ang nanay at tatay mo, ibinuwis ang buhay para sa Pilipinas. Hindi mo ba alam na kami ang nagbuwis ng buhay noong nandoon kami sa EDSA? Nagtiis kami sa init, sa gutom. Nagtiis kami para lang maka suporta sa nanay mo.

Dagdag pa niya:

Kung tutuusin, ang nanay at tatay mo ang may utang sa aming pamilya dahil kundi dahil sa magma-manipulate ng ama at nanay mo sa tatay ko, eh di sana hindi ako nawalan ng ama. P***** *** ka! Tapos sasabihin mo kami ang may utang sa pamilya mo? Pweh!

Kung drama lang ang usapan, hindi kita uurungan. Oh, ano? Drama tayo? Hangga’t nabubuhay ako, hindi ako papayag na ikaw ang magiging queen of drama.

Mukhang malalim nga nag pinaghuhugutan ng singer-actress kaya niya nasabi ang mga ito.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: