Mga dapat abangan sa ABS-CBN ngayong 2021

Sa ABS-CBN Christmas Special 2020, ipinasilip na ng Kapamilya network ang mga programang dapat abangan ngayong 2021.

Siksik na siksik ang mga handog at pasabog ng ABS-CBN sa parating na taon.

Hindi mo nga aakalain na wala silang prangkisa dahil sa rami ng mga programang nakalinya para sa kanilang mga manonood.

Una, tuloy na tuloy na ang paglipad ni Jane De Leon bilang Narda/Darna.

PHOTO: ABS-CBN

Tuloy din ang pagsasama-sama nina Gerald Anderson, JM De Guzman, at Yam Concepcion.

PHOTO: ABS-CBN

Magbabalik-telebisyon ang The Gold Squad na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.

PHOTO: ABS-CBN

Ipapalabas na rin ang teleseryeng pinagbibidahan ni Erich Gonzales na unang napanood sa iWant.

PHOTO: ABS-CBN

Ikakatuwa ng KathNiel fans na matutuloy na rin sa wakas ang pagbabalik sa teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

PHOTO: ABS-CBN

Magkakaroon ng bagong season ang reality/singing contest na ito. Si Luis Manzano ang bagong host kapalit ni Billy Crawford.

PHOTO: ABS-CBN

 

PHOTO: ABS-CBN

(to be continued…)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: