Buknoy, trending ulit sa Twitter dahil sa BL series

Hindi na bago ang pangalan ni Buknoy Glamurrr kung pag-uusapan ang mga kontrobersiya lalo na sa social media.

Una siyang napag-usapan sa kaniyang komento sa isang “tricycle driver” na tila isang pangmamaliit dahil sa hanapbuhay nito.

PHOTO: Screengrab from Buknoy’s Youtube Channel

Sumunod dito ang ilang ulit na bangayan nila ni Awra Briguela. Paulit-ulit at tila hindi matapos-tapos ang issue na ito na umani na rin ng pansin at batikos ng mga netizens.

Karamihan ay kumampi kay Awra at ilan ang nagsabing tila humahanap lamang ng atensyon si Buknoy upang patuloy na mapag-usapan.

Nitong araw nga ng Pasko ay lumutang na naman ang pangalan ni Buknoy sa trending list ng Twitter.

Usap-usapan ang trailer ng Alter, ang BL series na pinagbibidahan niya at ng dating rumored boyfriend ni Awra na si Feng Dela Cruz.

Kapansin-pansin ang ilang maseselang eksena na nakapukaw ng atensyon ng mga netizens dahil nga 16 years pa lamang si Buknoy at isa pa lamang menor de edad.

Narito ang ilang komento ng mga netizens.

Dahil sa mga batikos, nag-post ng komento ang Star Image Digital Network, ang producer ng series na ito, sa kanilang YouTube channel.

Ang sabi nila:

First of all, it’s Christmas day! Don’t let hatred enter your heart. Before you bash, please give chance to the story. We promise that this series will give a lot of lessons in life, especially about family. About the age of Buknoy, yes he is 1 6. We seek consent from his parents and we have signed agreement for all engagements with Buknoy. This is a BL Series. So some scenes may not be suitable for young audience. Parental guidance is strongly recommended.

Before judging this series, what about the film “Batang Poz” with Awra Briguela? He’s just 1 6 also and he did a very daring sex scene. Same as with this series. It is an art and craft to convey message of inspiration, hope, love and respect. Merry Christmas everyone!

Sa kasalukuyan ay burado na ang comment at naka-disable na rin ang comment section ng nasabing trailer video. Ngunit maagap ang ilang netizens dahil nakuhanan pa nila ito ng screenshot bago tuluyang i-delete.

Sa halip na makatulong sa pagpapaliwanag, lalo pa itong nakadagdag sa init ng usapin dahil sa tila baluktot na pangangatwirang ito.

Ikinagalit ng ilang netizens ang direktang pagkukumpara ng producer nito ng kanilang BL series sa Mga Batang Poz, ang iWant Original Series na tinampukan ni Awra bilang isa sa mga bida.

Binanggit ng Star Image Digital Network ang pangalan ni Awra bilang depensa dahil sa pagiging menor de edad din ni Awra nang gawin ang ilang maseselang eksena.

Katwiran ng ilan, malaki ang pagkakaiba ng Alter at ng Mga Batang Poz dahil sa pokus ng istorya at adbokasiya ng huli na pagpapalaganap ng awareness o kaalaman tungkol sa HIV at pamumuhay ng mga taong mayroong HIV.

May ilan namang nagtanggol kay Buknoy at nagsabing hindi dapat siya ang tuligsain kundi ang producer ng series, ang management ni Buknoy, ang mga magulang niya, ang direktor, at ang ilan pang adult na may kinalaman sa series.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: