PBB housemate Russu, naki-#YesToABSCBNshutdown?

Matapos maging sentro ng usap-usapan sa social media si Justin Dizon, isa na naman housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect ang ngayon ay inuulan ng batikos sa Twitter.

Ito ay ang binansagang Bunsong Boksingero ng General Santos City na si Russu Laurente.

PHOTO: ABS-CBN

Inulan ng batikos ng netizens si Russu matapos lumutang ang isang diumano ay lumang tweet niya na may kinalaman sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Narito ang laman ng nasabing tweet:

#YesToABSCBNShutDown Wag nyo tripan presidente namin. Mag mantinir mig GMA ngano man diay.

Maraming netizens ang agad na nag-react tungkol dito.

Narito ang ilan sa mga komento nila.

Ang Twitter account na pinagmulan ng nasabing tweet ay may username na @russulaurente at ginawa noon pang May 2019.

Mayroon itong 119 following at 179 followers. Mayroon din itong mga larawan mismo ni Russu.

Screenshot | Twitter

Hindi man malinaw kung sa kaniya nga itong Twitter account ngunit ayon sa ilang netizens, sapat nang ebidensiya ang ilan sa kaniyang mga larawan at video na makikita rito.

Mapapansing June 30, 2020 pa ang huling tweet gamit ang nasabing account.

Samantala, isa pang Twitter account na may username na @russulaurente13 ang lumalabas na tila account rin ni Russu.

Screenshot | Twitter

June 2020 lamang ginawa ang account na ito at karamihan sa huling mga tweets ay may kinalaman sa Pinoy Big Brother.

Iba-iba man ang man ang komento ng mga netizens, halos iisa lamang ang kanilang ipinupunto.

Bakit pa raw niya nagawang mag-audition at hangaring makapasok sa bahay ni Kuya kung isa naman siya sa mga nagnais magpasara sa mismong istasyon na nagpapalabas ng PBB?

Ikaw, anong reaksiyon mo tungkol dito?

2 thoughts on “PBB housemate Russu, naki-#YesToABSCBNshutdown?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: