Ilang eksena sa “Huwag Kang Mangamba,” pinag-usapan sa social media

Pinag-usapan sa social media ang pagsisimula ng ABS-CBN teleserye na “Huwag Kang Mangamba” na pinagbibidahan nina Francine Diaz, Andrea Brillantes, at iba pa.

Nagsimula nang umere ang nasabing inspirational series noong Lunes, March 22.

PHOTO: ABS-CBN

Trending topic ang kanilang pilot week na sabayang napanood sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya network gaya ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, The Filipino Channel, TV5, A2Z Channel 11, at WeTV iflix.

Ito ang inaabangang pagbabalik-telebisyon at pagsasama-sama ng ilan sa mga bigating artista tulad nina Diether Ocampo, Eula Valdez, Mylene Dizon, Dimples Romana, Sylvia Sanchez, at Dominic Ochoa.

Ito rin ang pagbabalik-teleserye ng tambalang Andrea Brillantes at Seth Fedelin, at Francine Diaz at Kyle Echarri.

Bukod sa de-kalibreng cast, pinag-usapan rin ang ilang eksena at tema na tumatak sa mga manonood.

Una na riyan ang sagutan sa pagitan nina Diether Ocampo at Eula Valdez.

PHOTO: ABS-CBN
PHOTO: ABS-CBN

Bukod sa ipinakitang husay sa pag-arte, hinangaan ng mga manonood ang makatotohanang batuhan nila ng linya na may kinalaman sa trabaho nig karakter ni Diether bilang isang sundalo.

Tila napapanahon kasi ang naging usapan nila at siguradong naka-relate ang mga viewers.

Nariyan din ang eksena ng feeding program ng mayor na ginagampanan ni Nonie Buencamino.

Kapansin-pansin kasi na nilagang itlog, saging, at kanin lamang ang laman ng food pack na ipinamahagi sa mga tao.

Tila may pagkakahawig ito sa totoong buhay dahil noong kasagsagan ng lockdown noong isang taon ay may politiko rin na binatikos dahil sa pamimigay ng nilagang itlog at saging na may nakalagay ring pangalan ng politiko.

PHOTO: ABS-CBN
PHOTO: ABS-CBN

Hinangaan ng mga manonood ang tapang ng ABS-CBN na magpalabas ng ganitong teleserye na bukod sa napapanahon ay talagang kakikitaan ng realidad dahil may ‘suntok’ sa politika ang tema.

Isa ka rin ba sa mga tumutok sa pilot week nito? Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!