‘Pang-aakit’ ni Gerald Anderson kay Yam Concepcion, pinag-uusapan

Pinag-uusapan ang bagong teaser ng ABS-CBN teleserye na “Init Sa Magdamag” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, JM De Guzman, at Yam Concepcion.

Tampok sa inilabas na patikim ng Star Creatives, ang ABS-CBN TV unit na may hawak sa nasabing series, sina Gerald at Yam.

Sa eksena ay magkasama sa isang kwarto sina Tupe (Gerald) at Rita (Yam).

Nakakapaso ba?

Ito ang tanong ni Tupe kay Rita habang nakaupong tila nang-aakit na agad naman sinagot ni Rita na mukhang mainit ang ulo sa lalaki.

Siraulo!

Sa sumunod na eksena ay tumayo si Tupe upang maghubad ng pantalon hanggang sa white briefs na lang nito ang naiwan.

Dito na mas uminit ang eksena at napatingin ang nagulat na si Rita sa hubad na katawan ni Tupe.

PHOTO: ABS-CBN

Umani agad ng 1.3 million views sa loob lamang ng 12 oras ang nasabing video at talaga namang pinag-usapan ito sa social media.

As of this writing, mayroon na itong 2.9 million views sa Facebook account ng Star Creatives.

Narito ang ilang sa mga komento ng netizens.

Ang “Init Sa Magdamag” ay mapapanood na sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa April 19.

Mapapanood ito sa Kaamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, TFC, TV5, WeTV iflix, at sa iba pang online platform ng ABS-CBN.

Panoorin dito ang pinag-uusapang teaser.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: