‘Change oil serye,’ sinubaybayan sa social media

Mainit na pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang “change oil serye” na talagang pinag-ukulan ng panahon ng maraming netizens.

Wala na yatang maitatago sa publiko pagdating sa social media dahil magagaling mangalap ng “resibo” o ebidensiya ang mga tao ngayon.

Sa mga naipon na “resibo,” mabubuo ang kwento ng pagtataksil na binansagang “change oil serye.”

Ang Pasabog ni Kathryrine

Sa Facebook post ni Kathyrine Roman, tinukoy niya ang isang kakilala na si Sarah De Leon bilang third party sa relasyon nila ni Yves Esteban.

Ayon kay Kathyrine, hindi niya ugali ang mag-post ng mga problema sa social media ngunit nagdesisyon siyang ibahagi ang kwentong ito dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyari.

Apat na taon silang magkasintahan ni Yves at maraming beses itong nagtaksil sa kaniya, pero mas pinili niyang magpatawad.

Hindi niya matanggap na umabot pa sila sa sitwasyon nila ngayon.

Ayon kay Kathyrine, matagal nang nakakasama ni Yves si Sarah sa inuman, kahit na noong panahong nasa ibang bansa pa siya.

Ang pagpapakilala sa kaniya ay nililigawan umano ng isang kaibigan nila si Sarah kung kaya madalas itong nakakasama nila Yves.

Nga-cool off umano sina Kathyrine at Yves noong March 14 dahil gusto muna umano nitong huminga at magkaroon ng space.

Laking gulat ni Kathyrine nang mag-post ng selfie si Sarah habang nakasakay sa isang sasakyan.

 

Hindi raw maaaring magkamali si Kathyrine dahil kilalang-kilala niya ang sasakyang iyon.

Sa pagpapatuloy niya sa pagkukwento sa post niya:

Of course, nagbulag-bulagan ako kahit obvious na obvious na. Sabi ko sa sarili ko baka same lang ng car, so to clear my mind, nag-message ako sa’yo since kaibigan ka ng sister and “ate” mo ko.

Ipinost din niya ang naging usapan nilang dalawa ni Sarah.

 

 

Alam daw niya na ide-deny ito ni Yves dahil never naman itong umamin o nag-sorry man lang sa kaniya.

He will play dumb and parang palaging nasa teleserye, biglang magkaka-amnesia. Syempre hindi ako papayag because I need to protect our relationship whatever it takes.

Marami akong pinagdaanan na tinago ko lang sa sarili ko. Never akong nag-post, nagsabi sa mga parents ko or sa mga kapatid ko.

Kasi I want to protect Yves at all cost kahit na ako yung masaktan. Yes, martyr ako. Ganoon ako magmahal, aayusin ko hangga’t kaya.

Nabulag ako sa quotes na kapag may sira, dapat ayusin. Hindi maghihiwalay because that’s how a love will last. Naniwala lang ako sa forever at maling tao.

Sinubukan din daw niyang kausapin si Yves pero hindi ito nagre-reply.

Sasagot man siya, ibabalik niya lang sa pinag-awayan namin.

Of course, hindi raw siya nakipagkita kahit kanino.

Last usap namin kagabi, I still tried to fix us pero ayaw mo na. 

Sabi mo gusto mo nang huminga. Wala na kong nagawa, sinukuan mo na ako.

And then this morning, tumawag sa akin kapatid ko. Kumakain si Okme sa Select after mag-bike and then pumasok kayo ni Sarah nang magkasama at 9:30AM.

Nagkatinginan kayo ni Okme, nataranta ka at lumabas kayo ni Sarah sa Select.

And the worst thing is hindi ka umuwi last night. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I couldn’t even cry.

Ang magkaibigan ba itinatago? Ang kaibigan ba magsisinungaling sa GF at itatago na magkasama?

Sobrang galing nyo. Sobrang napaikot nyo ako. And yung next photos, I almost lost my sanity.

Sobrang sakit na ba? Hindi pa diyan natatapos.

March 7 nung nag-away kami and sinoli ko ang singsing sa kaniya kasi I don’t feel any assurance from him. Sobrang na-stress daw siya because of that.

Pero close friend ni Sarah, hindi nakatiis at tumawag sa akin to say na matagal na kayong fck buddy. Nagsabi si Sarah sa kaniya na nagkakausap na sila ni Yves and alam daw ni Sarah na may fiancé.

Ang sabi ng source ko: ‘Gagi ka, baka mahuli kayo.’

Sarah: “Hindi, nag-iingat naman kami.’

I am so shocked sa nalaman ko. Like gaano katagal nyo na akong niloloko?

Paano kayo nakakatulog sa gabi?

Yves, ang masasabi ko lang is ikaw rin ang nawalan.

I’m not a very good person pero wala akong ginawang masama sa’yo.

And Sarah, I don’t have anything left to say because there’s a lot of people na nagme-message sa akin kung anong klase kang babae. I don’t even need to expose you because, girl, they know.

Sa huli, nagpasalamat si Kathyrine sa lahat para sa pagmamahal at suporta.

Muli siyang nagpaaalala:

Always remember that once a cheater, always a cheater.

And mas mahalin nyo sarili nyo kasi yun ang hindi ko nagawa.

Ang Bwelta ni Sarah

Sa Facebook post din idinaan ni Sarah ang kaniyang sagot tungkol sa kinasasangkutang issue.

Base sa kaniyang pahayag, tila hindi siya apektado sa isyung ito.

Narito ang kaniyang pahayag.

Unang una wala ako dapat iexplain sainyo dahil di ko naman kayo kilala at wala kayong alam.

Wala akong inagaw dahil di naman ako kasali nung nag break sila, desisyon nila ‘yon.

Kung nagtatago kami, bakit kami lumalabas? How ironic, di ba?

Kung di nyo matanggap na friends kami, it’s not my problem anymore. Judge me na lang.

Sa mga nagsasabing “kabet” ako, hindi sila kasal. Wag ako. balakayojan

Close friends lang kami ni Yves Esteban wag nyo kami pakielaman.

Social media lang to, dami n’yong time.

Ang Sagot ni Yves

Sa Facebook din idinaan ni Yves ang kaniyang saloobin sa pamamagitan ng isang maikling post.

Itinanggi niya na may namamagitan sa kanila ni Sarah.

Narito ang kaniyang buong post.

Hindi po ba ang ibig sabihin kapag isinoli na ang singsing break na kayo?(March 7 2pm)

Para sa akin po hindi naman mahirap intindihin yun. Sana sa inyo rin. Hehe!

Friends lang po kami ni Sarah de Leon wala naman po siguro masama kung lumabas kami ng kaibigan.

Godbless po sa lahat.

Ang Pahabol ni Kathyrine

Sa pinakahuling Facebook post ni Kathyrine, muli niyang sinagot ang mga posts nina Yves at Sarah kasama pa ang ilang “resibo” na naitago niya.

This is the end of this #ChangeOilSerye .

I’ve been saving this for last kasi i know both of you will not admit your mistake.

Both of you posted your status which is full of lies and turning me into a liar and bad person. The audacity.

Justifying your wrong actions, trying to escape from something that both of you don’t want to admit to.

I hope in the future both of you will not ruin other people’s happiness just because you both can’t find your own.

Both of you still have a chance to change.

I rest my case.

Anong masasabi mo tungkol dito?

One thought on “‘Change oil serye,’ sinubaybayan sa social media

  1. Ndi sya kawalan sya ang nawalan…ndi deserve ni yves ung pagmamahal mo magsisisi din yan wag mong itali ang sarili mo sa taong ndi marunong makontinto sa isang tao…and for u sarah bigyan mo naman ng respito sarili mo madami namang ibang lalaki jan nawalang karelasyon bakit doon pa sa meron..kakarmahin ka din kaya nga matatawag kang FUBU dahil sa pinag gagawa mo haisssttt walang usok talaga na maitatago kaya nga ayaw kung mag trust kahit sa bestfriend ko pa dahil c TUKSO pag umarangkada ndi mo mapipigilan kasi ang lalaki magpaka lalaki or sadyang gusto din naman…good for u kate tama ung desisyon mo ingat ka po palagi😊😊😊

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: