Ivana Alawi, may nilabag na batas dahil sa pagpapanggap na pulubi?

Trending kamakailan ang YouTube vlog ni Ivana Alawi kung saan nagpanggap siyang namamalimos sa kalsada.

Isa itong prank kung saan susubukan niyang manlimos sa mga tao at bawat piso na ibibigay sa kaniya ay papalitan niya ng isang libong piso. Halimbawa, ang sampung piso na “ipanlilimos” sa kaniya ng magiging “biktima” ng prank ay papalitan niya ng sampung libong piso.

PHOTO: Facebook | Ivana Alawi

Sa kaniyang panlilimos, may ilang nagbigay sa kaniya ng barya na pinalitan din naman niya ng katumbas na halaga nang magpakilala na siya bilang si Ivana.

Dito niya nakilala ang kutsinta vendor na si Tatay Joselito na nagpakita ng kabaitan sa kaniya.

Bukod sa PHP20, binigyan din siya nito ng kutsinta at inalok pang ibibili ng tubig o softdrinks.

Dahil sa ipinakitang kabutihan ng puso, binigyan siya ni Ivana ng dalawampung libong piso.

Tila lubos na tumatak aky Ivana ang kabaitan ng matanda kaya sa dulo ng kaniyang vlog, sinabi niya na ipapahanap niya itong muli para bigyan ng mas marami pang tulong.

At base sa mga kumalat na larawan sa social media nitong mga nakaraang araw, nagkita na ulit silang dalawa at mukhang naipamili na niya ito ng mga gamit.

Sa kabila ng inaning papuri ni Ivana mula sa mga netizens dahil sa ginawa niyang pagsukli sa kabutihan ng mga taong naging “biktima” sa kaniyang vlog, marami rin ang nagpahayag ng pagkadismaya.

Binatikos ng ilan ang ginawa niyang prank dahil tila “poverty porn” daw ito o iyong sinasabing pag-exploit sa mga mahihirap at kalagayan ng mga ito para lang kumita siya sa vlog.

Screenshot: YouTube | Ivana Alawi

Ginagamit lang daw ni Ivana ang mga mahihirap para mas mapag-usapan ang kaniyang vlog at para maging mas malaki ang views at kikitain ng vlog.

May ilan ding nagsabi na nilabag daw ni Ivana ang Presidential Decree No. 1563 o Mendicancy Law of 1978.

Ang nasabing batas ay nagbabawal na manlimos at magbigay ng limos sa mga pulubi.

Sa pamamagitan ng vlog ni Ivana, tila ipino-promote pa raw niya ang panlilimos at pagbibigay ng limos.

Ayon sa ilang nambabatikos sa kaniya, dapat daw na kasuhan siya kung talagang may nilabag na batas para hindi na pamarisan pa.

Agad naman siyang ipinagtanggol ng mga tagahanga at malinaw naman daw ang intensiyon niyang tumulong sa kapwa sa pamamagitan ng kinukwestiyong vlog.

Kilala rin si actress-vlogger sa pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan lalo na sa panahon ng sakuna gaya ng bagyo at baha.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

8 thoughts on “Ivana Alawi, may nilabag na batas dahil sa pagpapanggap na pulubi?

  1. Masasabi ko ay nasa batas nga na bawal Ang manglimos at pwede Siya kasuhan sa kanyang ginawa, at ganun din sa nagbigay. kahit ganoon paman, sa dami dami nanlimos sa kalsada at s amga dyep na dinadaan daanan lang ng mga authority Hindi man Lang Nila nilinis Ang mga ito sa kalsada? Kung tunay nga Ang mga nambabatikos Kay Ivana bakit Di Nila muna unahin Ang mga pakakat kalat sa daan. Ang paglimos ni Ivana ay Isang vlog na Kung Saan ay tumulong sa mga taong may mabubuting puso. Sana maisip din Nila bago batikusin Ang pinakita ni Ivana na kagandahang loob dahil sa hirap Ng buhay walang tutulong sa mga taong tinulongan niya (Ivana)

    I’m not her fans but I admire her works to help other people.

  2. Puro kayo bawal wala na nfat kyo naitulong bawal bawal pa kyo.. kung ayaw not mag tulong or inggit kayo gumawa din kayo
    Wala wenta puro bawal

  3. Bkit my nhuli n b s panlilimos at s ng bigy ng limos…vloger sya kya khit kumita sya ng limpak limpak n pera pinag paguran nya yn at tumutulong naman…wla kyo mggwa kc mganda mman sya pra panoorin at dun sya kumikita…s pnhon ngaun lhat ggwin mo pra kumita…

  4. Para naman po sa akin OK lang naman po yon wala namang masama, at saka hindi lang naman po si ivana ang gumawa ng ganyan marami po, ma’s malaki pa nga ang na itulong ni ivana kay sa iba..
    Marami pong totoong nag papalimos sa bakit hindi hinuhuli?
    May kanya kanyang paraan po ang pag tolong. Salamat po

    1. Yan din kasi paraan nila para kumita kaya pinag iinitan ang nakakatulong sa kapwa kasi sila d kaya gawin ang tumulong kundi para mangurakot,,

  5. Pra saakin naiiyak po ako kc kong ako din nasa katayuan.ni ivana gnyn din ggwen ko kc don ko mkikita kong my mga tao pabang mbubuti malooban n tumulong sa mhrap …kya s nkikita ko sa vlog ni ivana buti pa ung mga taong mhihirap dhl kht maghrap cla kya nila tumolong a kapwa nila mahirap…d tulad ng iba jn na myyaman ung yaman nila gnagamit sa kasamahan hnd s kabutihan

  6. Hnd ko killa c ivana lalo pro isa po siang halimbawa sa mga taong mabbuting malooban hnga po ako s knya wlang arti at ggwen laht mkatulong lang aa kapwa nia…ung nagbabatikos sa knya ingt lang po kau kc wla na nga kau matulong ggwen nyo pang msama ag tumulong sa kapwa tumulong…kong wla kau mggwa at lalo hnd kau inaano ni ivana mas mabuti tumatahimik nlang kau magtarbaho nlang kau pra may kita nmn kau ipakain sa fmilya nyo…

  7. ANG MGA NA INGGIT KAY IVANA, SISIRAAN TALAGA SIYA!
    MANIGAS KAYO! MAY MABUTING PUSO SI IVANA! DI TULAD NYO PURO PANIRA LANG SA KAPWA ANG ALAM!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: