Hanggang ngayon ay pinag-uusapan ang vlog ni Ivana Alawi kung saan nagpanggap siyang isang pulubi na nanlilimos ng pamasahe para makauwi sa Baguio.
Sa prank na ito, bawat piso na ibibigay sa kaniya ng mga walang kamalay-malay na “biktima” ay papalitan niya ng PHP1,000 kapag nagpakilala na siya bilang si Ivana.
Sa vlog na ito makikita ang pagiging matulungin ng mga Pinoy na kahit na naghihirap din sa buhay ay hindi nagdadalawang-isip na tumulong sa kapwa.
As of this writing ay mayroon nang mahigit 13 million views ang nasabing YouTube vlog.
Isa sa pinaka-tumatak at umantig ng puso ng viewers ay ang kutsinta vendor na si Joselito Martinez.
Ayon sa pakikipagkwentuhan ni Ivana na naka-disguise bilang pulubi, nalaman niya na umaangkat lang ng paninda si “Tatay Joselito” na inilalako nito mula umaga hanggang gabi.
Umulan man o umaraw, patuloy lang sa paglalakad si Tatay Joselito para makaubos ng paninda.
Kailangan kasi nitong kumita para may maipadala sa pamilya nito na nasa probinsiya.
Naantig ang puso ni Ivana dahil bukod sa binigyan siya ni Tatay Joselito ng PHP20, binigyan din siya nito ng kutsinta.
Nag-alok din ito na ibibili siya ng tubig o softdrinks para may mainom pagkatapos kumain ng kutsinta.
Dito na hindi napigilan ni Ivana ang pagluha sabay pagpapakilala kay Tatay Joselito.
Binigyan niya ito ng PHP20,000 bilang kapalit ng PHP20 na ibinigay sa kaniya na nagpaluha rin dito.
Sa sobrang paghanga sa kabutihang loob ng kutsinta vendor, sinabi ni Ivana sa pagtatapos na kaniyang vlog na ipapahanap niya si Tatay Joselito para bigyan ng iba pang tulong.
Sa mga kumalat ng larawan sa social media kamakailan, makikitang nagkita na muli sina Ivana at Tatay Joselito.
Base sa mga nasabing larawan, mukhang ipinamili ni Ivana ng mga appliances at iba pang gamit ang matanda bilang gantimpala sa kabutihan ng puso nito.
Dahil dito, mas lalong hinangaan ng mga netizens si Ivana na laging nakahandang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.
Maaalalang ilang beses din siyang namigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at sa mga apektado ng pandemya.
God bless you Ivana ,sana marami kapang matulungan,more blessing to come.
Good Samaritan,
GodBless you Ivana and your Family😘 Saludo po ako sa iyong kabutihang puso ❤️ ipagpatuloy mo lang ang iyong pagtulong sa mga nangangailangan.
Sana ‘wagkang magsasawang gumawa ng kabutihan. LuvYou😘
God bless po…Maam Ivana…sana matulongan nyo din po magulang kusa bicol matagal na pong putol ang paa Hindi ko po kasi alam kung ano tawag sa paa na pan dugtong?wala naman po kasi ganon halaga para makabili 75yrs.old na po tatay ko para kahit paano d mahirapan ng gusto pag may paa.
Napakabait nyo po. Ma’am.. Kayo po ay Isa. Sa mga angel ng panginoon na pinababa sa lupa Para makatulong sa. Mga Tao.. Lalo na ngayun sa panahon ng pandemya.. Hanga po ako sa kabaitan at kabutihan nyo.. Manatili po kayo ligtas at Sama din po namin. Kayu sa bawat panalangin namin.. God bless po ma’am Ivana…
Sana marami in kapang matulungan maam ivana lalo ngayon sa hirap nang buhay dahil sa pandemic. Sana po marami kapang matulungan. God bless po.