Yam Concepcion, pinag-iingat ng mga netizens kay Gerald Anderson

Ilang mga netizens ang nagpahayag ng pag-aalala para sa aktres na si Yam Concepcion.

Si Yam ang bida at leading lady ni Gerald Anderson sa bagong ABS-CBN series na “Init sa Magdamag.”

Sa full trailer nito na ipinalabas kamakailan lamang, kapansin-pansin ang maiinit na eksena sa pagitan ng dalawa, gayundin sa pagitan nina Yam at JM De Guzman.

Sa social media, nagkomento ang ilang mga netizens na nakasubaybay sa lovelife ni Gerald.

Ayon sa ilang netizens, kapansin-pansin na nagiging girlfriend ni Gerald ang karamihan sa naging leading lady nito.

Ang kasalukuyan nitong girlfriend na si Julia Barretto ay leading lady ni Gerald sa pelikulang “Between Maybes.”

Sa pelikulang ito sinasabing nagkalapit nang husto ang dalawa at tuluyang nagkahulugan ng loob.

Lumutang din ang ilang memes patungkol kay Gerald at sa mga naging kasintahan nito na pawang mga commercial models ng iba’t ibang brands ng shampoo.

Nariyan si Kim Chiu na naging model ng Rejoice, si Maja Salvador na naging model ng Clear, si Sarah Geronimo na naging model ng Sunsilk, si Bea Alonzo na naging model ng Pantene at Head & Shoulders, at si Julia na model ng Palmolive.

Naging biru-biruan tuloy na target daw ni Gerald ang shampoo beauties.

Matatandaang naging commercial model din ng Clear shampoo si Yam, kaya naman ang biro ng ilang netizens ay baka ito na ang susunod na target ng aktor.

Mapapanood ang teleserye ng dalawa ngayong Abril sa Kapamilya Channel. Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z channel 11, TV5 at iba pang mga digital platforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: