Madlang people, nabahala dahil sa replay episode ng “It’s Showtime”

Maraming ‘madlang people‘ ang nasurpresa sa biglaang pag-ere ng isang lumang episode ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” kaninang tanghali.

Base kasi sa teaser ng show, live sila ngayong araw at naka-schedule rin bilang guest si Ina Raymundo.

Ngunit sa halip na live, ang episode nila noong nakaraang Huwebes, March 11, ang isinalang sa ere.

Kapansin-pansin din na live naman ang online show nitong “Showtime Online U” kung saan guests sina Kobie Brown at Andrea Abaya ng Pinoy Big Brother Connect.

PHOTO: ABS-CBN

Dahil dito, nagtaka ang maraming avid fans ng noontime show.

Para sa mga masusugid na tagapanood kasi ng show, nasusundan na nila ang schedule ng pag-ere ng live at taped episodes nito.

Isang linggo itong sasalang nang live, at susundan ng isang linggo ring pag-eere ng taped episodes.

Sa schedule nila ngayong linggo, live dapat ang show simula noong Lunes, March 15, hanggang sa Sabado, March 20.

Maraming fans tuloy ang di maiwasang mag-isip at mag-alala.

May ilan ding napaisip na baka nga mayroong hindi magandang nangyari sa hosts at staff ng programa, lalo na at nabanggit raw kahapon ni Vice Ganda na schedule nila ng swab test ngayong araw.

May ilan ding naging mapangmatyag sa social media at nakapansin na nasa Showtime studio naman si Kim Chiu base sa IG story niya kanina.

PHOTO: Instagram | Kim Chiu

May nakapagsabi rin na huwag sanang maulit ang umano’y nangyari noong isang taon na bigla na lamang nag-ere ng replay na episodes dahil may nagpositibo sa swab test at kinailangan ng mga hosts at staff na mag-quarantine muna.

As of this writing, wala pang statement mula sa programa o mula sa mga hosts nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: