PBB housemate Justin Dizon, inulan ng batikos sa Twitter

Naging trending topic sa Twitter ang Pinoy Big Brother (PBB) Connect housemate na si Justin Dizon.

Ito ay matapos umani ng views at retweets ang video na unang nai-tweet ni Twitter user park deibeu (@AnjelDave_).

As of this writing, mayroon na itong 1.2 million views at 19K retweets.

Ang video na ito na may caption na “ang baho ng ugali” ay kuha mula sa day 11 ng reality show.

Sa video ay makikitang tila nakikipagbiruan sa simula si Justine sa kapwa housemate na si Jie-Ann tungkol sa hindi paliligo ng huli. Tila pabiro pang nagpunas ng kamay si Justin sa tuwalya ni Jie-Ann na nakabalot sa buhok nito.

Patuloy ang pag-uusap nila at sinabi ni Jie-Ann na sanay na siya sa ganoon at wala siyang pakiaalam. Sumagot naman si Justin at nagsabing…

Sabagay, marumi ka nga pala.

Ang mga salitang ito ni Justin ang nakapukaw ng atensyon ng mga manonood.

Agad itong umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Ang ilan naman ay nag-tweet ng konteksto ng sitwasyon na kinasangkutan ng dalawang housemate at ng ilan pa nilang kasamahan sa loob ng bahay ni Kuya.

Naging tampulan ng tukso si Jie-Ann ng kaniyang mga kapwa housemates dahil sa hindi nito paliligo.

Umabot pa ito sa punto na isinumbong siya ng mga ito kay Kuya.

Binigyan naman ni Kuya si Jie-Ann ng mga espesyal na gamit-pampaligo at pinaturuan pa mismo kay Justin kung paano gamitin ang mga ito.

Nang kausapin muli ni Kuya si Jie-Ann tungkol sa dahilan niya kung bakit hindi siya naliligo, dito naungkat ang mga karanasan niya sa kanilang tahanan sa Sarangani.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: