Sharon Cuneta to basher: “Engot ka lang talaga!”

Hindi na nakapagpigil ang Megastar na si Sharon Cuneta nang sagutin niya ang isang netizen na nag-iwan ng negatibong komento sa kaniyang Instagram post.

Sa komento ng nasabing netizen, ikinumpara nito si Sharon kina Liza Soberano, Anne Curtis, at Bea Alonzo at sinabing mabuti na lamang at hindi nakasabay ni Sharon ang mga ito sa pag-aartista.

Ang sabi ng netizen:

Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea, Liza, Anne Curtis, baka ‘di ka napansin. Kung kamukha mo sana mommy mo, pede ka sumabay kaso daddy mo kamukha mo e.

Sumagot naman si Sharon at nagsabing:

Eh ‘di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila eh maganda na ako! Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako! Alam mo, ang ganda, sampusampera. Ang ‘di maipaliwanag ng at sa tao, ay ‘yung tinatawag na X-Factor. Puede ba ako sumikat ng ‘di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot.

Screenshot: Instagram | Sharon Cuneta

Muling sumagot ang netizen at sinabing wala lang daw ibang choice noon kaya sumikat si Sharon. Kung sakaling nakasabayan umano ni Mega ang mga batang artista ngayon, baka hindi ito nakapag-artista.

Screenshot: Instagram | Sharon Cuneta

Binanggit pa ng netizen sa paliwanang nito ang mga naging kasabayan ni Sharon na sina Snooky Serna at Maricel Soriano. Sinabi rin nitong mas maganda ang dalawa kaysa kay Sharon.

Screenshot: Instagram | Sharon Cuneta

Hindi pa rin nagpaawat ang Megastar at muling sumagot at tinawag na engot lang talaga ang netizen.

Wala kang point madami na kami noon engot ka lang talaga. Kahit madaming maganda bilangin mo ilan umabot sa kinalalagyan naming mga kween hindi kween kweenan o feeling kween.

Screenshot: Instagram | Sharon Cuneta

Anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!