Bea-Alden Movie, Tuloy Na Tuloy Na

Kasado na ang unang pelikulang pagtatambalan ng Kapamliya star na si Bea Alonzo at Kapuso star na si Alden Richards.

Ito ang unang pelikulang gagawin ni Bea sa labas ng Star Cinema matapos siyang umalis sa Star Magic na naging tahanan niya ng 19 na taon.

Ayon sa ulat ng PEP, ang pelikulang ito ay ang adaptation ng blockbuster Korean movie na “A Moment to Remember.”

Movie Poster | A Moment to Remember

Ang Korean movie na ito ay ibinasa sa 2001 Japanase drama na “Pure Soul.” Ipinalabas ito noong November 2004. Tungkol ito sa isang babae na nagkaroon ng Alzheimer’s disease.

Sa Pinoy version na nakatakda nang simulan ang shooting sa January 2021, gaganap si Alden bilang ang bidang lalaki na unang ginampanan ng Korean actor na si Jung Woo-sung.

Si Bea naman ang gaganap sa bidang babae na unang ginampanan ni Son Ye Jin, na nakilala ng mga Pinoy sa 2020 Korean drama na “Crash Landing on You.”

Ang pelikulang ito ay joint venture ng Viva Films at GMA Pictures.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: