PBB Connect: Big 4, pinangalanan na

Pinangalanan na ang final Big 4 ng 9th season ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect.

Ito ay sina Amanda Abaya na tinaguriang ‘Cheerdance Sweetheart ng Parañaque,’ Jie-Ann Armero na tinawag na ‘Kwelang Fangirl ng Sarangani,Liofer Pinatacan na tinaguriang ‘Dong Diskarte ng Zamboaga Del Sur,’ at Kobie Brown na tinawag namang ‘Charming Striker ng Parañaque.’

Silang apat ang nanatili sa kanilang mga Big 4 slots matapos mabigo ang mga Big 4 challengers na sina Amanda Zamora at Ralph Malibunas na agawin ang kanilang mga pwesto.

Ang taumbayan ang magdedesisyon kung sino sa kanilang apat ang magiging Big Winner sa edisyong ito sa pamamagitan ng pagboto gamit ang text votes at Kumu votes.

Ang Big Night ay gaganapin ngayong Linggo, March 14, 9:00PM.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: