It wasn’t my intention to hurt or offend anyone.
Ito ang naging pahayag ng aktres na si Solenn Heussaff matapos umani ng batikos dahil sa isang larawan na ipinost nito kamakailan.
Sa ipinost niya sa kaniyang Instagram account, makikita rito ang ‘urban poor housing’ na naging setting ng kaniyang larawan.
Agad napukaw nito ang atensiyon ang mge netizens at tinawag itong ‘poverty porn.’
Ang poverty porn ay ang sinasabing paggamit sa mukha ng kahirapan upang mas makakuha ng atensiyon at para mas mapag-usapan.
Agad nagkomento ang mga netizens at kinuha ang atensiyon ng aktres tungkol dito.
Sinabi ng ilan na tila ginagamit niya ang larawan para mas mapag-usapan ang nakatakda niyang art exhibit.
Itinanggi naman ito ng aktres.
Kalaunan ay binura niya ang nasabing post at naglabas ng apology statement.
I’ve been thinking a lot about the comments you guys left on the photo I posted. I know it sparked some debate and there were both good and bad takes on it. While I appreciate the encouragement some shared, I also want to apologize to those I have hurt.
Paliwanag pa niya:
Wanted to shoot it in a typical street, those we drive by everyday. Streets full of life, since all my paintings are about the people we see. Not the rich or the poor but people for who they are. Humanity. The choice of painting was to show the environmental side. The abundance and balance of what life was, but also growth and hope.
Sinabi din niya na hindi niya intensiyon na maka-offend o makasakit ng kahit na sino at inako niya ang pagkakamali.
This is the heart and inspiration of all my paintings, both old and new. I did not want to romanticize the poverty of the everyday Pinoy or the resiliency that we naturally have. I really hoped to honor our people by being truthful about the kind of life a lot of Filipinos live today and to show that Filipinos deserve better.
Sa huli, muli siyang nagpasalamat sa lahat sa pagiging ‘eye-opener’ sa kaniya ng insidente.