Abra, bakit nga ba nag-sorry sa It’s Showtime?

Magandang magandang tanghali, madlang people! Maraming salamat sa pagtanggap n’yo dito at pasensya na sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan.

Ito ang pahayag ng rapper na si Abra na naging palaisipan sa mga viewers ng It’s Showtime noong Sabado, February 27.

Maraming viewers ang nagtaka kung bakit ito nanghingi ng paumanhin sa programa.

PHOTO: ABS-CBN | It’s Showtime

Ilang viewers ang idinaan ang pagtatanong sa Twitter.

Ilan din tuloy ang napatanong kung isa ba si Abra sa mga nakisuporta sa ABS-CBN shutdown kung kaya nanghihingi siya ng paumanhin sa noontime show.

May mga netizens naman na agad nagbahagi ng sagot sa nasabing palaisipan.

Noong 2016 ay may isang ‘awkward situation’ na naganap nang maging isang hurado si Abra sa grand finals ng Christmas Rapper segment ng It’s Showtime.

Sa isang impromptu rap, nabanggit ni Abra ang salitang “f*ck you” sabay pakita ng “dirty finger” gesture.

Agad itong ikinabahala ng hosts at staff dahil hindi sinasadyang nagawa ito ni Abra sa live television.

Agad nagkomento ang isa sa mga hosts na si Vice Ganda at nagsabing:

Ang management, alam kong kinakabahan na rin.

Itigil na natin ito at huwag uulitin.

Nanghingi rin naman ng paumanhin si Abra sa dulo ng segment.

Pasensya na po. Kasi freestyle at mabilis eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!