Claudine Barretto on Jodi-Raymart relationship: “Parang ang bastos, ‘no?”

Hindi ikinatuwa ni Claudine Barretto ang paglabas sa publiko ng relasyon ng dati niyang asawa na si Raymart Santiago at ng sinasabing kasintahan nito ngayon na si Jodi Sta. Maria.

Ang apela ni Claudine, dapat sana ay ipinaalam muna sa mga anak nina Claudine ang relasyon ng dalawa bago sila nag-“out” sa publiko.

Sabi ni Claudine:

Tinawagan ko si Jodi. Sinabi ko na, ‘Alam mo, Jodi, isa lang ang hiniling ko sa inyo. Na sabihin n’yo sa akin para maabisuhan ko ‘yung mga anak ko. Kasi sinabi ko na mangyayari ‘to. Artista kasi kayo. Eto ‘yung iniiwasan ko, ‘yung may lumabas na pictures na makita ng mga anak mo bago mo sinabi. Bago n’yo sinabi sa amin.’

Pero ‘yung anak niya, ‘yun ‘yung nakakainis dun, ‘yung anak niyang si Thirdy, inupo nila ni Raymart at in-explain na bagong boyfriend niya ulet. ‘Di ba? Parang, ang bastos noh? ‘Di ba, nakalimutan ‘yung mga anak ko.

 

Maliban dito, diretsahan ding sinabi ni Claudine na ‘bad influence’ umano si Jodi sa dating asawa dahil nalilimutan na nito ang mga obligasyon sa kanilang anak.

At kasi kitang kita ko na hindi magandang influence si Jodi sa kaniya. Because si AC, yung ex-girlfriend ni Raymart, mas karespe-respeto… And I’m in disbelief, hindi ko maintindihan pa’no nagawa ni Jodi lahat ‘yun.
Dagdag pa niya:
 Mas okay siyang tatay nung hindi pa sila eh.

Hati ang reaksiyon ng publiko sa isiniwalat ni Claudine sapagkat wala pa namang kumpirmasyon na nanggagaling kina Raymart at Jodi sa kabila ng naglabasang larawan kung saan makikita ang sweetness ng dalawa.

Bagama’t naiintindihan ng ilang netizens kung ano ang pinanggagalingan ng aktres, naniniwala ang ilang mga tagahangan niya na sana’y hindi na isinapubliko pa ang ganitong usapin.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring pahayag mula kina Raymart at Jodi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!