Mula sa TV5, balik-ABS-CBN sina Donny Pangilinan at Zephanie Dimaranan

Mula sa pagiging mainstays sa ABS-CBN musical variety show na sa ASAP NAtin ‘To, lumipat sa TV5 sina Zephanie Dimaranan at Donny Pangilinan noong October 2020.

Pareho silang naging bahagi ng Sunday Noontime Live na noon ay nasa katapat na oras mismo ng ASAP Natin ‘To.

Namaalam ang nasabing show noong January 17, matapos lamang ang tatlong buwan nito sa ere.

Naging palaisipan tuloy sa mga viewers kung ano ang kahihinatnan ng kapalaran ng mga dating Kapamilya stars na piniling lumipat dito.

Maliban kina Zephanie at Donny, lumipat din sa TV5 show na ito sina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Catriona Gray.

Isa si Donny sa mga pumirma ng panibagong kontrata sa Star Magic at ABS-CBN noong nakaraang linggo.

At nito nga lang Linggo, February 28, muling nakabalik sa ASAP stage si Donny nang mag-guest kasama ang co-stars sa inaabang series na He’s Into Her na malapit nang mapanood.

Samantala, si Zephanie naman ay naging guest sa segment na Hide and Sing sa It’s Showtime kahapon, March 2.

Inaasahan din siyang mapanood muli sa ASAP Natin ‘To dahil isa siya sa mga interpreters sa Himig 11th edition.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!