Ogie Diaz: “May mga artistang hindi na makakabalik ng ABS-CBN.”

Naiintindihan din naman ng ABS-CBN management kung ‘yung iba ay tumalon ng barko… para lumipat sa ibang barko na hindi pa lumulubog o feeling nila hindi lulubog.

Ito ang naging pahayag ni Ogie Diaz nang muling mapag-usapan ang mga artistang lumipat ng ibang network at mga artistang mas pinili pa ring manatili sa ABS-CBN sa kabila ng mga pinagdadaaanan nito.

Sa kaniyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update ay muling naungkat ang usaping ito.

Kamakailan nga ay muling pumirma ng panibagong kontrata sa Kapamilya network sina Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, Arjo Atayde, Donny Pangilinan, at Gary Valenciano.

PHOTO: ABS-CBN

Bago pa man natapos ang 2020 ay nag-renew na ng kontrata sa Star Magic sina Kim Chiu, Jane de Leon, Enchong Dee, JM de Guzman, Andrea Brillantes, Kira Balinger, Joseph Marco, at Robi Domingo.

PHOTO: ABS-CBN

Kapansin-pansin din na ilang Kapamilya artists ang tinanggihan din ang offers mula sa ibang istasyon at piniling manatiling Kapamilya.

Kabilang na nga rito ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel, at tambalang Liza Soberano at Enrique Gil o LizQuen.

Ang kwento pa ni Ogie na manager din ng LizQuen, may offers daw para sa loveteam mula sa kabilang networks.

Pero ang sabi raw ni Liza:

Saka na lang po ako lilipat kapag wala na ang ABS-CBN, as in kapag tiklop na.

Sa takbo naman ng mga pangyayari ngayon sa ABS-CBN, mukhang unti-unti na silang nakakabangon at patuloy na lumalakas ang kanilang mga programa lalo na sa online platforms.

Nabanggit din ni Ogie na ayos lang naman sa network kung pinili ng mga artista nila na lumipat sa GMA-7 at TV5. Pero mas nagmamarka raw sa puso ng management at siguradong babalikan kapag tuluyan nang nakaahon muli ang network ‘yung mga artista at staff na nanatili sa kabila ng lahat.

Dito na nabanggit ni Ogie ang katotohanang kapag nakabalik na raw ang ABS-CBN ay may mga artistang hindi namakakabalik pa kahit gustuhin pa ng mga ito.

Hindi man niya pinangalanan ang mga ito pero nagbigay siya ng clue sa mga pangalan nito.

Ang isa raw ay nagsisimula sa B as in bravo, at ang isa naman ay M as in mama.

Nakarating na raw kasi sa management na nanghikayat pa ang mga ito ng mga kapwa Kapamilya artists na lumipat na rin sa ibang network gaya nila.

Ito raw ay base sa mga naririnig niyang bulung-bulungan sa bakuran ng network.

Sino-sino kaya ang mga ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: